Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ito na ang Araw ng Kaligtasan!
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 15
    • 12. Anong mahalagang ministeryo ang isinasagawa ng mga embahador at sugo ni Jehova?

      12 Para makaligtas, dapat tayong kumilos kasuwato ng mga salita ni Pablo: “Yamang gumagawang kasama niya [ni Jehova], namamanhik din kami sa inyo na huwag tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at sumala sa layunin nito. Sapagkat sinasabi niya: ‘Sa isang kaayaayang panahon ay dininig kita, at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita.’ Narito! Ngayon ang lalo nang kaayaayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” (2 Corinto 6:1, 2) Hindi tinatanggap ng pinahirang mga embahador ni Jehova at ng kaniyang mga sugo, ang “ibang mga tupa,” ang di-sana-nararapat na kabaitan ng kanilang makalangit na Ama upang sumala lamang sa layunin nito. (Juan 10:16) Sa pamamagitan ng kanilang matuwid na paggawi at masigasig na ministeryo sa ganitong “kaayaayang panahon,” hinahangad nila ang pabor ng Diyos at ipinababatid sa mga naninirahan sa lupa na ito “ang araw ng kaligtasan.”

  • Ito na ang Araw ng Kaligtasan!
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 15
    • 15. Mula kailan nagsikap ang espirituwal na mga Israelita na mapatunayang karapat-dapat sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos, at sa anong layunin?

      15 Ikinapit ni Pablo ang Isaias 49:8 sa mga pinahirang Kristiyano, anupat namanhik sa kanila na ‘huwag sumala sa layunin ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos’ sa pamamagitan ng hindi paghanap sa kaniyang kabutihang-loob sa “kaayaayang panahon” at sa “araw ng kaligtasan” na inilalaan niya. Sinabi pa ni Pablo: “Narito! Ngayon ang lalo nang kaayaayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” (2 Corinto 6:2) Mula noong Pentecostes 33 C.E., ang espirituwal na mga Israelita ay nagsikap na mapatunayang karapat-dapat sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos upang ang “kaayaayang panahon” ay maging “araw ng kaligtasan” para sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share