-
Kung Paano Tinutustusan ang Gawaing Pang-KaharianNamamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
-
-
10 Una, boluntaryo tayong nag-aabuloy dahil mahal natin si Jehova at gusto nating gawin ang “kalugud-lugod sa kaniyang paningin.” (1 Juan 3:22) Talagang nalulugod si Jehova sa kaniyang mananamba na nagbibigay nang mula sa puso. Tingnan natin ang simulaing sinabi ni apostol Pablo sa mga Kristiyano hinggil sa pagbibigay. (Basahin ang 2 Corinto 9:7.) Ang isang tunay na Kristiyano ay hindi nag-aatubili o napipilitan na magbigay. Sa halip, nagbibigay siya dahil iyon ang “ipinasiya niya sa kaniyang puso.”c Ibig sabihin, nagbibigay siya matapos niyang alamin ang mga pangangailangan at kung paano siya makatutulong. Mahal ni Jehova ang gayong tao “sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” Ang sabi nga ng ibang salin: “Mahal ng Diyos ang mga taong gustong-gustong magbigay.”
-
-
Kung Paano Tinutustusan ang Gawaing Pang-KaharianNamamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
-
-
c Ayon sa isang iskolar, ang salitang Griego para sa “ipinasiya” ay “nagsasangkot ng patiunang paghahanda.” Idinagdag pa niya: “Kahit napakasayang magbigay, kailangan pa rin itong planuhin at gawing sistematiko.”—1 Cor. 16:2.
-