Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbibigay ng Tulong—Lumuluwalhati kay Jehova
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • 6. (a) Gaya ng ipinaliwanag ni Pablo, bakit bahagi ng pagsamba natin ang pagtulong? (b) Ipaliwanag kung paano isinasagawa ngayon sa buong mundo ang pagtulong kapag may sakuna. (Tingnan ang kahong “Kapag May Sakuna!” sa pahina 214.)

      6 Tinulungan ni Pablo ang mga taga-Corinto na maintindihan kung bakit ang pagtulong ay bahagi ng kanilang ministeryo at pagsamba kay Jehova. Pansinin ang kaniyang pangangatuwiran: Ang mga Kristiyano ay naglalaan ng tulong dahil “mapagpasakop [sila] sa mabuting balita tungkol sa Kristo.” (2 Cor. 9:13) Dahil gusto nilang isabuhay ang mga turo ni Kristo, tinutulungan ng mga Kristiyano ang kanilang mga kapananampalataya. Sinabi ni Pablo na ang kabaitan nila sa kanilang mga kapatid ay kapahayagan ng “nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.” (2 Cor. 9:14; 1 Ped. 4:10) May kinalaman sa paglilingkod sa mga kapatid na nangangailangan, kasama na ang pagtulong kapag may sakuna, sinabi ng Disyembre 1, 1975, ng The Watchtower: “Hinding-hindi natin dapat pag-alinlanganan na napakahalaga sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak na si Jesu-Kristo ang uring ito ng paglilingkod.” Oo, ang pagtulong ay isang mahalagang anyo ng sagradong paglilingkod.​—Roma 12:1, 7; 2 Cor. 8:7; Heb. 13:16.

  • Pagbibigay ng Tulong—Lumuluwalhati kay Jehova
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • 7, 8. Ano ang unang tunguhin natin sa pagtulong? Ipaliwanag.

      7 Ano ang mga tunguhin natin sa pagtulong? Sinagot iyan ni Pablo sa kaniyang ikalawang liham sa mga taga-Corinto. (Basahin ang 2 Corinto 9:11-15.) Sa mga talatang iyan, idiniin ni Pablo ang tatlong pangunahing tunguhin na naaabot natin sa pakikibahagi sa “ministeryo ng pangmadlang paglilingkod na ito,” o pagbibigay ng tulong. Isa-isahin natin ang mga ito.

      8 Una, maluwalhati si Jehova sa pamamagitan ng ating pagtulong. Sa limang talatang binanggit, pansinin kung gaano kadalas inakay ni Pablo sa Diyos na Jehova ang pansin ng kaniyang mga kapatid. Ipinaalala sa kanila ng apostol ang tungkol sa “kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos” at “maraming kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.” (Talata 11, 12) Binanggit niya na “niluluwalhati [ng mga Kristiyano] ang Diyos” at pinupuri ang “nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos” dahil sa tinanggap nilang tulong. (Talata 13, 14) At sa pagtatapos ng pagtalakay ni Pablo hinggil sa pagtulong, sinabi niya: “Salamat sa Diyos.”​—Talata 15; 1 Ped. 4:11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share