Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Kabataan—Huwag Kayong Padaya
    Ang Bantayan—1986 | Agosto 1
    • 3. (a) Bakit ang pakikiapid ay isang malubhang pagkakasala? (b) Ano ang layunin ni Satanas na Diyablo?

      3 Si Julie ay nadaya o napaglalangan na gumawa ng isang malubhang paglabag sa kautusan ng Diyos. Kaya naman ang Bibliya ay nagpapayo: “Magsitakas kayo sa pakikiapid.” At buong linaw na sinasabi: “Walang mapakiapid . . . ang may anumang mana sa kaharian ng Kristo at ng Diyos.” (1 Corinto 6:18; Efeso 5:5) Kaya bagaman walang pakialam si Satanas na Diyablo sa kung manalo ka man o matalo sa isang paglalaro ng bola o kung nakabili ka ng isang bagay na mabuti man o masama, kaniyang talagang sinisikap na mailigaw ka para labagin mo ang kautusan ng Diyos. “Ang inyong kalaban, ang Diyablo, ay gagala-gala na gaya ng leong umuungal, humahanap ng masisila,” ang babala ng Bibliya. (1 Pedro 5:8) Oo, kaniyang ginagamit ang lahat ng kaniyang tusong pag-iisip, kasali na ang pagkukunwaring anghel ng liwanag, upang tayo’y mailayo sa paglilingkod sa Diyos na Jehova! Hindi ba isang bagay iyan na dapat pag-isipan?​—2 Corinto 11:14.

  • Mga Kabataan—Huwag Kayong Padaya
    Ang Bantayan—1986 | Agosto 1
    • 5. (a) Sa anong pag-iisip hindi tayo dapat padala? (b) Sa ano nabahala si apostol Pablo, at bakit angkop naman iyon?

      5 Huwag padadala sa pag-iisip na ang mga pamamaraan ni Satanas ay hindi tatalab sa iyo, na hindi niya maaakay ka na sirain ang mga kautusan ng Diyos. Alalahanin ang babala ng Diyos na “si Satanas man ay patuloy na nagkukunwaring isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14) Tama naman ang pagkabahala ni apostol Pablo na baka magtagumpay ang Pusakal na Magdaraya sa kaniyang paglapit sa walang gaanong karanasan na mga kapuwa Kristiyano ni Pablo. Si Pablo ay sumulat: “Ako’y natatakot na sa paano man, kung paanong nadaya si Eva ng ahas sa kaniyang katusuhan, baka ang inyong mga isip naman ay pasamain upang mailayo sa kataimtiman at sa kalinisan na nauukol sa Kristo.”​—2 Corinto 11:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share