Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Nobyembre 15
    • “Upang ako’y huwag labis na magmataas, binigyan ako ng isang tinik sa laman, isang anghel ni Satanas ang laging tumatampal sa akin, upang ako’y huwag labis na magmataas. Tungkol dito’y makaitlo akong nagmakaawa sa Panginoon upang alisin ito sa akin; ngunit siya’y nagsabi nga sa akin: ‘Ang aking di-sana nararapat na awa ay sapat na para sa iyo; sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.’ Kaya’t bagkus akong magmamapuri nang buong kagalakan sa aking kahinaa, upang ang kapangyarihan ng Kristo ay maging gaya ng isang tolda na nananatiling nakalukob sa akin.”​—2 Corinto 12:7-9.

      Ang tinik sa laman ni Pablo ay maaaring isang kapansanan sa mata o dili kaya’y mga bulaang apostol na humahamon sa kaniyang pagkaapostol. (Galacia 4:15; 6:11; 2 Corinto 11:5, 12-15) Anuman iyon, ang tendensiya ay sirain ang loob ni Pablo o hadlangan siya sa pagmamapuri dahil sa kaniyang ministeryo. Kaya’t makaitlong hiniling niya na iyon ay alisin. Subalit sino ang kaniyang hinilingan niyaon, at sino ang tumugon sa pamamagitan ng pagbanggit ng “aking kapangyarihan”?

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Nobyembre 15
    • Yamang si Pablo ay humiling na alisin ang ‘tinik sa kaniyang laman, ang anghel ni Satanas,’ makatuwiran na sa Panginoong Diyos siya tumingin bilang gagawa nito, yamang si Jehova ang pinahahatdan ng mga panalangin. (Filipos 4:6; Awit 145:18) Isa pa, pinalalakas ni Jehova si Pablo sa mga salitang, “Ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan,” at dito’y hindi ipinupuwersa si Kristo. Ang kapangyarihan buhat sa Panginoong Diyos ay matutukoy na “ang kapangyarihan ng Kristo [na noon ay] tulad ng isang tolda” sa ibabaw ni Pablo, sapagkat ‘si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.’ (1 Corinto 1:24) Sa gayon, ang 2 Corinto 12:7-9 ay tumutulong sa atin na pahalagahan nang lalong higit ang paraan na sa pamamagitan niyaon ay ang kaniyang Anak ang ginagamit niyang pinaka-sentro sa katuparan ng banal na kalooban.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share