-
Corinto, Mga Liham sa Mga Taga-Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ikalawang Corinto. Malamang na isinulat ni Pablo ang kaniyang ikalawang liham sa mga taga-Corinto noong huling bahagi ng tag-araw o maagang bahagi ng taglagas ng 55 C.E. Ang unang liham ay isinulat ng apostol sa Efeso, kung saan malamang na namalagi siya gaya ng isinaplano, hanggang noong Pentecostes ng taóng iyon, o mas matagal pa. (1Co 16:8) Pagkatapos ay lumisan si Pablo patungong Troas, na doo’y ikinalungkot niya na hindi niya nakita si Tito, na bago nito’y isinugo sa Corinto upang tumulong sa paglikom ng salapi para sa mga banal sa Judea. Kaya pumaroon si Pablo sa Macedonia, kung saan siya sinundan ni Tito taglay ang ulat tungkol sa pagtugon ng mga taga-Corinto sa kaniyang unang liham. (2Co 2:12, 13; 7:5-7) Nang magkagayon ay isinulat ni Pablo ang ikalawang liham sa kanila mula sa Macedonia, at maliwanag na ipinadala iyon sa pamamagitan ni Tito. Pagkaraan ng ilang buwan, natupad ang kaniyang mga pagsisikap na dumalaw sa Corinto. Samakatuwid, dalawang beses na nakadalaw si Pablo sa mga taga-Corinto. Pagkatapos ng kaniyang unang pagdalaw, kung kailan itinatag niya ang kongregasyon, nagplano siya ng ikalawang pagdalaw, na hindi natuloy. Ngunit “ang ikatlong pagkakataon” na kaniyang isinaplano o ‘ipinaghanda’ ay nagtagumpay, sapagkat nakita niya silang muli noong mga 56 C.E. (2Co 1:15; 12:14; 13:1) Sa ikalawang pagdalaw na ito sa Corinto, isinulat niya ang kaniyang liham sa mga taga-Roma.
-
-
Corinto, Mga Liham sa Mga Taga-Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ipinaliwanag ni Pablo kung ano ang matagal nang saloobin ng Diyos tungkol sa espirituwal na kalinisan sa pamamagitan ng pagsipi o pagtukoy sa Deuteronomio 17:7; Levitico 26:11, 12; Isaias 43:6; 52:11; at Oseas 1:10. (1Co 5:13; 2Co 6:14-18) Ipinakita niya na ang pagbibigay ng materyal na tulong ay hindi kinaligtaan ng mga lingkod ng Diyos noong sinaunang panahon at na kinalulugdan ni Jehova ang bukas-palad na Kristiyano. (Aw 112:9; 2Co 9:9) At sinabi niya na ang simulain sa Kautusan na itatag ang bawat bagay sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay kapit sa kongregasyong Kristiyano. (Deu 19:15; 2Co 13:1) Ang mga nabanggit at ang iba pang mga pagtukoy sa mga kasulatang isinulat noong una ay nagpapaliwanag sa mga tekstong ito at nagbibigay-linaw kung paano kumakapit sa atin ang mga ito.
-