Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tularan ang Awa ni Jehova
    Ang Bantayan—1998 | Oktubre 1
    • 17. (a) Anong kalagayan ang bumangon sa Corinto noong unang siglo, at paano pinayuhan ni Pablo yaong mga nasa kongregasyon upang harapin ang bagay na ito? (b) Bakit praktikal ang payo ni Pablo, at paano natin maikakapit ito sa ngayon? (Tingnan din ang kahon sa kanan.)

      17 Upang matulungan tayong suriin ang ating sarili sa bagay na ito, isaalang-alang ang nangyari sa Corinto noong mga taon ng 55 C.E. Doon, isang lalaki na natiwalag sa kongregasyon ang sa wakas ay nagtuwid ng kaniyang buhay. Ano ang dapat gawin ng mga kapatid? Dapat ba nilang pag-alinlanganan ang kaniyang pagsisisi at patuloy siyang iwasan? Sa kabaligtaran, hinimok ni Pablo ang mga taga-Corinto: “May-kabaitang mapatawad at maaliw ninyo siya, upang sa paanuman ang gayong tao ay huwag malulon ng kaniyang pagiging labis-labis na malungkot. Kaya nga masidhing pinapayuhan ko kayo na pagtibayin ang inyong pag-ibig sa kaniya.” (2 Corinto 2:7, 8) Kadalasan, ang nagsisising mga nagkasala ay madaling makadama ng kahihiyan at masiraan ng loob. Kaya naman, kailangan ng mga ito ang katiyakan na sila’y minamahal ng kanilang mga kapananampalataya at ni Jehova. (Jeremias 31:3; Roma 1:12) Mahalaga ito. Bakit?

  • Tularan ang Awa ni Jehova
    Ang Bantayan—1998 | Oktubre 1
    • 19 Kung sila naman ngayon ay maging labis na mahigpit at tumangging patawarin ang nagsisisi, maiimpluwensiyahan naman sila ni Satanas sa iba pang paraan. Paano? Sa bagay na maaari niyang samantalahin ang kanilang pagiging mahigpit at walang awa. Kung ang nagsisising nagkasala ay “malulon ng kaniyang pagiging labis-labis na malungkot”​—o gaya ng pagkasalin ng Today’s English Version, “gayon na lamang kalungkot anupat lubusan nang sumuko”​—tunay na isang napakabigat na pananagutan ang tataglayin ng matatanda sa harap ni Jehova! (Ihambing ang Ezekiel 34:6; Santiago 3:1) May mabuting dahilan na matapos babalaan ang kaniyang mga tagasunod laban sa pagtisod sa “isa sa maliliit na ito,” sinabi naman ni Jesus: “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili. Kung ang iyong kapatid ay makagawa ng kasalanan ay sawayin mo siya, at kung siya ay magsisi ay patawarin mo siya.”a​—Lucas 17:1-4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share