-
Alam Mo Ba?Ang Bantayan—2010 | Agosto 1
-
-
Ano ang nasa isip ni apostol Pablo nang banggitin niya ang tungkol sa “prusisyon ng tagumpay”?
▪ Sumulat si Pablo: “[Inaakay tayo ng] Diyos . . . sa isang prusisyon ng tagumpay kasama ng Kristo at sa pamamagitan natin ay nagpapabatid ng amoy ng kaalaman tungkol sa kaniya sa bawat dako! Sapagkat sa Diyos tayo ay mabangong amoy ni Kristo sa gitna niyaong mga inililigtas at sa gitna niyaong mga nalilipol; sa mga huling nabanggit ay isang amoy na nanggagaling sa kamatayan tungo sa kamatayan, sa mga unang nabanggit ay isang amoy na nanggagaling sa buhay tungo sa buhay.”—2 Corinto 2:14-16.
Ang tinutukoy ni Pablo ay ang kaugaliang Romano na pagkakaroon ng prusisyon para parangalan ang isang heneral sa kaniyang tagumpay laban sa mga kaaway ng Estado. Sa gayong mga prusisyon, ipinaparada ang mga samsam at mga bihag pati na ang mga torong ihahain habang binibigyang-parangal ang nagwaging heneral at ang kaniyang hukbo. Pagkatapos ng prusisyon, inihahain ang mga toro at malamang na pinapatay ang karamihan sa mga bihag.
Ang “mabangong amoy ni Kristo” na sagisag ng buhay para sa ilan at kamatayan naman para sa iba ay “malamang na nakuha sa kaugaliang Romano na pagsusunog ng insenso habang nagpuprusisyon,” ang sabi ng The International Standard Bible Encyclopedia. “Ang mabangong amoy na sagisag ng tagumpay para sa mga manlulupig ay nagpapaalaala sa mga bihag na malamang na malapit na silang patayin.”a
-
-
Alam Mo Ba?Ang Bantayan—2010 | Agosto 1
-
-
a Para sa kahulugan ng ilustrasyon ni Pablo, tingnan Ang Bantayan, Nobyembre 15, 1990, pahina 27.
[Larawan sa pahina 23]
Isang bahagi ng relyebeng Romano na nagpapakita ng prusisyon ng tagumpay, ikalawang siglo C.E.
[Credit Line]
Photograph taken by courtesy of the British Museum
-