Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 10. Ilarawan ang paglalakbay mula sa Perga hanggang sa Antioquia ng Pisidia.

      10 Pagdating sa Perga, iniwan ni Juan Marcos sina Pablo at Bernabe at bumalik sa Jerusalem. Walang binabanggit na dahilan kung bakit siya biglang umalis. Mula sa Perga, nagpatuloy sina Pablo at Bernabe sa paglalakbay patungo sa Antioquia ng Pisidia, isang lunsod sa lalawigan ng Galacia. Hindi madali ang paglalakbay na ito, dahil ang Antioquia ng Pisidia ay mga 1,100 metro ang taas mula sa lebel ng dagat. Balitang-balita rin na delikado ang matatarik na daan at maraming bandido roon. Bukod diyan, malamang na may problema na rin noon si Pablo sa kaniyang kalusugan.h

  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • h Ang liham ni Pablo sa mga taga-Galacia ay isinulat makalipas ang ilang taon. Sa liham na iyon, isinulat ni Pablo: “Alam ninyo na naipahayag ko sa inyo sa unang pagkakataon ang mabuting balita dahil sa sakit ko.”​—Gal. 4:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share