Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 48—Mga Taga-Galacia
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 12. (a) Sa ano dapat lumakad ang mga taga-Galacia? (b) Anong mahalagang paghahambing ang ginagawa ni Pablo?

      12 Ang pagtutuli o di-pagtutuli ay hindi mahalaga, kundi ang pananampalatayang udyok ng pag-ibig. Ang Kautusan ay natutupad sa utos na: “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sarili.” Patuloy na lumakad ayon sa espiritu, pagkat “kung kayo ay inaakay ng espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.” Tungkol sa mga gawa ng laman, nagbabala si Pablo “na ang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” Inihambing niya ang bunga ng espiritu, na laban doo’y walang kautusan, at sinabi pa: “Kung nabubuhay tayo ayon sa espiritu, lumakad tayo nang may kaayusan ayon sa espiritu” at iwaksi ang pagka-makasarili at kapanaghilian.​—5:14, 18, 21, 25.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 48—Mga Taga-Galacia
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 15. Papaano nakinabang sa liham ang mga kongregasyon sa Galacia, at papaano ito pumapatnubay sa mga Kristiyano ngayon?

      15 Ang liham ay napakinabangan ng mga taga-Galacia sa pagpapatibay ng kalayaan kay Kristo at pagpapabulaan sa pumipilipit sa mabuting balita. Niliwanag nito na ang isa ay inaaring-matuwid sa panananampalataya at na ang pagtutuli ay hindi na kailangan upang maligtas. (2:16; 3:8; 5:6) Ang ganitong di-pagtatangi sa laman ay tumulong upang magkaisa ang Judio at Griyego. Ang kalayaan sa Kautusan ay hindi dapat gamiting paumanhin sa mga pita ng laman, at kapit pa rin ang simulain: “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sarili.” Ito rin ang patnubay sa mga Kristiyano ngayon.​—5:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share