-
4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng DiyosAng Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
-
-
Turo ng Bibliya:
“Ang mga katangian na bunga ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.”—GALACIA 5:22, 23.
Ang Ibig Sabihin:
Puwedeng madaig ang poot sa tulong ng Diyos. Matutulungan tayo ng kaniyang banal na espiritu na magkaroon ng magagandang ugali na wala sa atin. Imbes na sarilinin ang paglaban sa poot, tanggapin ang tulong ng Diyos. Kapag ginawa natin iyon, madarama natin ang nadama ni apostol Pablo. Isinulat niya: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Filipos 4:13) Talagang masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin.”—Awit 121:2.
-