Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Turo ng Bibliya:

      “Ang mga katangian na bunga ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.”—GALACIA 5:22, 23.

      Ang Ibig Sabihin:

      Puwedeng madaig ang poot sa tulong ng Diyos. Matutulungan tayo ng kaniyang banal na espiritu na magkaroon ng magagandang ugali na wala sa atin. Imbes na sarilinin ang paglaban sa poot, tanggapin ang tulong ng Diyos. Kapag ginawa natin iyon, madarama natin ang nadama ni apostol Pablo. Isinulat niya: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Filipos 4:13) Talagang masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin.”​—Awit 121:2.

  • 4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Nagalit si Waldo nang makipag-aral ang asawa niya sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya: “Galít ako sa mga Saksi, at maraming beses ko silang binulyawan. Pero lagi silang kalmado.”

      Pagkatapos, nag-aral din ng Bibliya si Waldo. Sinabi niya: “Hindi pa rin madaling ikapit ang mga natututuhan ko. Kumbinsido ako na hinding-hindi ko makokontrol ang pagiging marahas ko.” Pero may natutuhan siya sa Bibliya na nagpabago sa kaniya.

      Ikinuwento ni Waldo: “Isang araw, ipinabasa sa akin ni Alejandro, ang nagtuturo sa akin ng Bibliya, ang Galacia 5:22, 23. . . . Ipinaliwanag ni Alejandro na ang paglinang ko ng mga katangiang iyon ay hindi nakadepende sa sarili kong lakas kundi sa banal na espiritu ng Diyos. Lubusang binago ng katotohanang iyan ang aking [pananaw]!”

      Sa tulong ng Diyos, nadaig ni Waldo ang pagiging magagalitin. Sinabi niya: “Hindi makapaniwala ang aking mga kapamilya at dating mga kaibigan sa laki ng ipinagbago ko.” Sinabi pa niya: “Binago ako ni Jehova mula sa isang marahas na tao tungo sa isa na mapagpayapa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share