Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tinitipon ng “Iisang Jehova” ang Kaniyang Pamilya
    Ang Bantayan—2012 | Hulyo 15
    • 7. Ano ang ibig sabihin ng “ingatan ang pagkakaisa ng espiritu”?

      7 Dahil nananampalataya tayo sa haing pantubos ni Kristo, ipinapahayag tayong matuwid ni Jehova, bilang kaniyang mga anak kung tayo’y mga pinahiran, o bilang kaniyang mga kaibigan kung kabilang tayo sa ibang mga tupa. Pero hangga’t naririto tayo sa sistemang ito, hindi maiiwasang magkaproblema tayo sa iba. (Roma 5:9; Sant. 2:23) Kaya naman pinapayuhan tayo ng Bibliya na ‘pagtiisan ang isa’t isa.’ Paano natin maitataguyod ang pagkakaisa sa kongregasyon? Kailangan ang “buong kababaan ng pag-iisip at kahinahunan.” Pinasisigla rin tayo ni Pablo na marubdob na pagsikapang “ingatan ang pagkakaisa ng espiritu sa nagbubuklod na bigkis ng kapayapaan.” (Basahin ang Efeso 4:1-3.) Maikakapit natin ang payong ito kung magpapaakay tayo sa impluwensiya ng espiritu ng Diyos at hahayaan itong magluwal sa atin ng bunga nito. Ang bunga ng espiritu ng Diyos ay tumutulong para malutas ang mga di-pagkakaunawaan, hindi gaya ng mga gawa ng laman na sumisira ng pagkakaisa.

  • Tinitipon ng “Iisang Jehova” ang Kaniyang Pamilya
    Ang Bantayan—2012 | Hulyo 15
    • 9. Paano natin malalaman kung “marubdob [nating] pinagsisikapang ingatan ang pagkakaisa ng espiritu”?

      9 Kaya dapat nating tanungin ang ating sarili: ‘Gaano karubdob ang pagsisikap kong “ingatan ang pagkakaisa ng espiritu sa nagbubuklod na bigkis ng kapayapaan”? Ano ang ginagawa ko kapag nagkakaproblema ako sa iba? Ikinukuwento ko ba ito sa mga kaibigan ko para magkaroon ng maraming kakampi? Inaasahan ko ba na mga elder ang lulutas ng di-pagkakaunawaang ito sa halip na ako mismo ang makipagpayapaan? At kung alam kong may reklamo sa akin ang isang kapatid, iniiwasan ko ba siya para hindi na namin pag-usapan ang problema?’ Kung ganiyan ang ginagawa natin, ipinakikita ba natin na nakikipagtulungan tayo sa layunin ni Jehova na muling tipunin ang lahat ng bagay kay Kristo?

      10, 11. (a) Gaano kahalaga ang pakikipagpayapaan sa ating mga kapatid? (b) Paano natin maitataguyod ang mapayapang kalagayan na magdudulot ng pagpapala ni Jehova?

      10 Sinabi ni Jesus: “Kung gayon, kapag dinadala mo sa altar ang iyong kaloob at doon ay naalaala mo na ang iyong kapatid ay may isang bagay na laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng altar ang iyong kaloob, at umalis ka; makipagpayapaan ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon, sa pagbalik mo, ihandog mo ang iyong kaloob. Makipag-ayos kang madali.” (Mat. 5:23-25) Isinulat ni Santiago na “ang bunga ng katuwiran ay may binhing inihasik sa ilalim ng mapayapang mga kalagayan para roon sa mga nakikipagpayapaan.” (Sant. 3:17, 18) Nangangahulugan ito na hindi natin patuloy na magagawa ang matuwid kung wala tayong pakikipagpayapaan sa iba.

      11 Bilang paghahalimbawa, sa ilang bansang dumanas ng digmaan, tinatayang 35 porsiyento pa sana ng lupain ang puwedeng pakinabangan kung hindi nangangamba ang mga tao sa mga nakatanim na bomba. Kapag may sumabog na bomba, iniiwan na ng mga magsasaka ang bukid, nawawalan ng kabuhayan ang mga taganayon, at kinakapos sa pagkain ang mga tagalunsod. Sa katulad na paraan, kung mayroon tayong mga ugali na sumisira sa pakikipagpayapaan natin sa ating mga kapatid, mahahadlangan ang ating espirituwal na pagsulong. Pero kung mabilis tayong magpapatawad sa iba at gagawa ng mabuti sa kanila, maitataguyod natin ang mapayapang kalagayan na magdudulot ng pagpapala ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share