Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Maging Makatarungan” sa Paglakad Kasama ng Diyos
    Maging Malapít kay Jehova
    • 4. Paano natin nalalaman na inaasahan ni Jehova na tayo’y mamumuhay ayon sa kaniyang matuwid na mga pamantayan?

      4 Si Jehova ay umaasang tayo’y mamumuhay ayon sa kaniyang mga pamantayan ng tama at mali. Yamang ang kaniyang mga pamantayan ay makatarungan at matuwid, tayo’y nagtataguyod ng katarungan at katuwiran kapag tayo’y sumusunod sa mga ito. “Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan,” ang sabi sa Isaias 1:17. Pinapayuhan tayo ng Salita ng Diyos na “hanapin . . . ang katuwiran.” (Zefanias 2:3) Hinihimok din tayo nito na “isuot ang bagong personalidad na nilikha ayon sa kalooban ng Diyos at batay sa kung ano ang matuwid.” (Efeso 4:24) Ang tunay na katuwiran—tunay na katarungan—ay umiiwas sa karahasan, karumihan, at imoralidad, sapagkat nilalabag ng mga ito ang bagay na banal.​—Awit 11:5; Efeso 5:3-5.

  • “Maging Makatarungan” sa Paglakad Kasama ng Diyos
    Maging Malapít kay Jehova
    • 6 Hindi madali para sa di-perpektong mga tao na magtaguyod ng katuwiran. Dapat nating hubarin ang lumang personalidad pati na ang makasalanang mga gawain nito at isuot ang bago. Sinasabi sa Bibliya na ang bagong personalidad ay “nagiging bago” sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman. (Colosas 3:9, 10) Ang pananalitang “nagiging bago” ay nagpapahiwatig na ang pagsusuot ng bagong personalidad ay isang patuluyang gawain, isa na nangangailangan ng lubusang pagsisikap. Gaano man ang ating pagsisikap na gawin ang tama, may mga pagkakataon na dahil sa ating pagiging likas na makasalanan ay nagkakamali tayo sa isip, salita, o gawa.​—Roma 7:14-20; Santiago 3:2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share