Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Katanggap-tanggap Ba sa Diyos ang Lahat ng Selebrasyon?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Basahin ang Efeso 5:10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang kailangan nating siguraduhin kapag nagdedesisyon tungkol sa isang kapistahan?

      • Ano ang mga selebrasyon at kapistahan sa inyong lugar?

      • Sa tingin mo, nagpapasaya kaya ang mga ito kay Jehova?

      Halimbawa, ano kaya ang pananaw ng Diyos tungkol sa birthday? Walang mababasa sa Bibliya na nag-birthday ang mga lingkod ni Jehova. Pero may binabanggit ito na dalawang tao na hindi lingkod ng Diyos na nag-birthday. Basahin ang Genesis 40:​20-22 at Mateo 14:​6-10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang pagkakatulad ng dalawang ulat na ito?

      • Mula sa dalawang pangyayaring ito, ano sa tingin mo ang nararamdaman ni Jehova tungkol sa birthday?

      Pero baka maisip mo pa rin, ‘Mahalaga ba talaga kay Jehova kung magse-celebrate ako ng birthday o ng iba pang kapistahan na hindi itinuturo ng Bibliya?’ Basahin ang Exodo 32:​1-8 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Mga Kapistahan at Selebrasyon na Hindi Kalugod-lugod sa Diyos (5:​07)

      • Bakit kailangan nating siguraduhin kung ano ang kalugod-lugod kay Jehova?

      • Paano natin ito magagawa?

      Ang mga selebrasyon na ayaw ni Jehova

      • Itinuturo ba ito ng Bibliya? Para malaman ang sagot, mag-research tungkol sa pinagmulan nito.

      • Pinaparangalan ba nito nang sobra ang mga tao, organisasyon, o simbolo ng bansa? Dapat na mas parangalan natin si Jehova at magtiwala na siya lang ang makakalutas ng mga problema sa mundo.

      • Nasusunod ba ng mga kaugalian at gawain nito ang mga pamantayan ng Bibliya? Kailangan nating manatiling malinis sa moral.

  • Pasayahin si Jehova sa mga Pinipili Mong Libangan
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 53. Isang pamilya na kumakain ng popcorn habang nanonood ng TV.

      ARALIN 53

      Pasayahin si Jehova sa mga Pinipili Mong Libangan

      Si Jehova ay “maligayang Diyos.” (1 Timoteo 1:11) Gusto niya na maging masaya tayo at mag-enjoy sa buhay. Natutuwa siyang makita kapag nagbibigay tayo ng panahon para magrelaks. Sa araling ito, tatalakayin natin kung paano tayo pipili ng mga libangang mag-e-enjoy tayo at magpapasaya rin kay Jehova.

      1. Ano ang mga dapat pag-isipan kapag pumipili ng mga libangan?

      Ano ang gusto mong gawin kapag nagrerelaks ka? May ilan na gusto lang sa bahay​—magbasa ng aklat, makinig ng musika, manood ng pelikula, o mag-Internet. May ilan naman na gustong lumabas kasama ng mga kaibigan nila​—mag-hiking, mag-swimming, o maglaro. Anuman ang gusto mong gawin, siguraduhin na ang mga pipiliin mong libangan ay “kalugod-lugod sa Panginoon.” (Efeso 5:10) Mahalagang maunawaan natin ito kasi karamihan sa mga popular na libangan sa ngayon ay may mga bagay na ayaw ni Jehova gaya ng karahasan, seksuwal na imoralidad, o espiritismo. (Basahin ang Awit 11:5.) Ano ang makakatulong para makapili tayo ng tamang libangan?

      Kung pipili tayo ng mga kaibigan na mahal si Jehova, magiging magandang impluwensiya sila sa atin at sa mga pipiliin nating libangan. Gaya ng natutuhan na natin, “ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong.” Pero kung lagi tayong makikisama sa mga tao na hindi sumusunod sa mga pamantayan ng Diyos, “mapapahamak” tayo.​—Kawikaan 13:20.

      2. Bakit mahalagang pag-isipan ang dami ng panahong ginagamit natin sa paglilibang?

      Kahit nakakasunod sa mga pamantayan ni Jehova ang mga libangan natin, kailangan pa rin nating pag-isipan kung sobra na ang panahong nagagamit natin para dito. Kung hindi natin ito gagawin, baka mawalan na tayo ng panahon sa mas mahahalagang gawain. Nagpapayo ang Bibliya: “Gamitin ninyo sa pinakamabuting paraan ang oras ninyo.”​—Basahin ang Efeso 5:​15, 16.

      PAG-ARALAN

      Alamin kung paano ka pipili ng tamang libangan.

      3. Iwasan ang masasamang libangan

      Bakit mahalagang piliing mabuti ang mga libangan natin? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Anong Libangan ang Dapat Kong Piliin? (4:​39)

      • Ano ang pagkakatulad ng sinaunang laro ng mga gladiator sa ilang libangan sa ngayon?

      • Ano ang natutuhan ni Danny tungkol sa mga libangan?

      Basahin ang Roma 12:9. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano makakatulong sa iyo ang tekstong ito para makapili ka ng tamang libangan?

      Ano ang ilang bagay na kinapopootan ni Jehova? Basahin ang Kawikaan 6:​16, 17 at Galacia 5:​19-21. Sa bawat pagbasa ng teksto, talakayin ang tanong na ito:

      • Alin sa mga bagay na ito ang nakikita mo sa mga libangan ngayon?

      Kung paano pipili ng tamang libangan

      Tanungin ang sarili:

      • Ano? Mayroon ba itong mga bagay na kinapopootan ni Jehova?

      • Kailan? Nauubos ba nito ang panahon ko na para sana sa mas mahahalagang bagay?

      • Sino? Nagiging dahilan ba ito para mapalapít ako sa mga taong hindi mahal si Jehova?

      Para maging ligtas, siguradong lalayo tayo sa anumang panganib. Iyan din ang dahilan kung bakit lalayo tayo sa mga libangan na posibleng makasamâ sa atin

      Isang kotse na nasa gilid ng bangin. Mahuhulog na ang likuran ng kotse.

      4. Gamitin nang tama ang panahon mo

      Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Saan Nauubos ang Oras Mo? (2:​45)

      • Sa video, kahit hindi masama ang pinapanood ng isang brother, ano ang epekto sa kaniya ng paggamit niya ng maraming panahon sa paglilibang?

      Basahin ang Filipos 1:10. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano makakatulong sa iyo ang tekstong ito para makapagdesisyon kung gaano karaming panahon ang gagamitin mo sa paglilibang?

      5. Pumili ng mga libangang makakabuti sa iyo

      May ilang libangan na ayaw ni Jehova, pero marami pa ring libangan na nakakasunod sa mga pamantayan niya. Basahin ang Eclesiastes 8:​15 at Filipos 4:8. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Anong mabubuting libangan ang nae-enjoy mo?

      Mga larawan: Mga tao na iba-iba ang edad habang naglilibang. 1. Babaeng nakikinig ng musika at nagdodrowing. 2. Tatlong kabataang lalaki na nagba-basketball. 3. Dalawang batang lalaki na nagbibisikleta. 4. Batang lalaki na bumubuo ng laruang kotse. 5. Lalaki na tumutugtog ng drum. 6. Batang lalaki na naglalaro ng video game kasama ng tatay niya. 7. Babaeng kumukuha ng mga picture.

      Puwede kang mag-enjoy sa mabubuting libangan

      MAY NAGSASABI: “Wala namang masama sa mga libangang may karahasan, imoralidad, at espiritismo, basta hindi mo gagayahin ’yon.”

      • Ano ang isasagot mo?

      SUMARYO

      Gusto ni Jehova na pumili tayo ng mabubuting libangan at mag-enjoy.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Anong mga libangan ang dapat iwasan ng mga Kristiyano?

      • Bakit dapat mong pag-isipan ang dami ng panahong ginagamit mo sa paglilibang?

      • Bakit tayo pipili ng mga libangan na magpapasaya kay Jehova?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Tingnan kung sino talaga ang magdedesisyon sa pipiliing libangan ng isang tao.

      “Ipinagbabawal Ba ng mga Saksi ni Jehova ang Ilang Partikular na mga Pelikula, Aklat, o Awit?” (Artikulo sa jw.org/tl)

      Alamin kung paano ka makakagawa ng tamang desisyon pagdating sa paglilibang.

      “Kapaki-pakinabang Ba ang Iyong Paglilibang?” (Ang Bantayan, Oktubre 15, 2011)

      Sa kuwentong “Napagtagumpayan Ko Pa Nga ang Pagtatangi,” tingnan kung bakit binago ng isang lalaki ang mga libangan niya.

      “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay” (Ang Bantayan, Pebrero 1, 2010)

      Tingnan kung paano nakagawa ng tamang desisyon ang isang nanay tungkol sa panooring may kinalaman sa espiritismo.

      Iwasan ang mga Libangan na May Espiritismo (2:​02)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share