Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ba ang Kahulugan ng Pagpapasakop Kung Tungkol sa Pag-aasawa?
    Ang Bantayan—1991 | Disyembre 15
    • Hindi Isang Malupit na Asawa

      Papaano gagampanan ng isang asawang lalaki ang kaniyang autoridad? Sa pamamagitan ng pagsunod sa mahusay na halimbawa ng Anak ng Diyos. Ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang isang lalaki ay ulo ng kaniyang asawa gaya ni Kristo na ulo naman ng kongregasyon, yamang siya ay tagapagligtas ng katawang ito. Mga lalaki, patuloy na ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ni Kristo na umibig sa kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili alang-alang doon.” (Efeso 5:23, 25) Ang pagganap ni Jesu-Kristo ng pagkaulo ay isang pagpapala sa kongregasyon. Siya’y hindi isang malupit na ulo. Hindi niya pinapangyari na ang kaniyang mga alagad ay higpitan o apihin. Sa halip, kaniyang natamo ang paggalang ng lahat sa pamamagitan ng kaniyang maibigin at mapagmahal na pagtrato sa kanila. Anong inam na halimbawa para sa mga lalaki na sundin sa kanilang pakikitungo sa kani-kanilang asawa!

      Subalit, mayroong mga lalaki na hindi sumusunod sa mainam na halimbawang ito. Ang kanilang bigay-Diyos na pagkaulo ay ginagamit nila nang may pag-iimbot, imbes na sa ikabubuti ng kani-kanilang asawa. Sila’y naghahari-harian sa kani-kanilang asawa, humihiling nang lubos na pagpapasakop at kalimitan hindi pinapayagang sila’y gumawa ng anumang pagpapasiya para sa kanilang sarili. Mauunawaan kung bakit, ang asawa ng gayong mga lalaki ay kalimitang namumuhay nang di-maligaya. At ang gayong lalaki ay nagdurusa rin sapagkat hindi niya nakakamit ang mapagmahal na paggalang ng kaniyang asawa.

      Totoo, hinihiling ng Diyos na ang isang babae ay gumalang sa posisyon ng kaniyang asawa bilang ulo ng pamilya. Subalit kung nais ng lalaki na tamasahin ang taos-pusong paggalang sa kaniya ng babae, kailangan sa kaniya ang magsikap, at ang pinakamagaling na paraan ay sa pamamagitan ng pagkilos sa responsableng paraan at paglinang ng mabubuti, maka-Diyos na mga katangian bilang ulo ng sambahayan.

      Ang Pagpapasakop ay May Pasubali

      Ang autoridad ng isang lalaki sa kaniyang asawa ay hindi lubus-lubusan. Sa mga ilang paraan ang pagpapasakop ng babae sa kaniyang asawa ay maihahambing sa pagpapasakop ng isang Kristiyano sa isang makasanlibutang pinuno. Iniuutos ng Diyos na ang isang Kristiyano ay kailangang “magpasakop sa nakatataas na mga autoridad.” (Roma 13:1) Gayunman ang pagpapasakop na ito ay kailangang laging katimbang ng ating pagpapasakop naman sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” (Marcos 12:17) Kung si Cesar (ang sekular na pamahalaan) ay humihiling na ibigay natin ang mga bagay na sa Diyos, natatandaan natin ang sinabi ni apostol Pedro: “Tayo’y kailangan munang sumunod sa Diyos bilang pinuno bago sa mga tao.”​—Gawa 5:29.

  • Ano ba ang Kahulugan ng Pagpapasakop Kung Tungkol sa Pag-aasawa?
    Ang Bantayan—1991 | Disyembre 15
    • Maiingatan ng asawang lalaki para sa kaniyang sarili ang pag-ibig at paggalang ng kaniyang asawa pagka kaniyang pinasikat ang maka-Diyos na mga katangian ng kaniyang ulo, si Jesu-Kristo, na ang utos sa kaniyang mga tagasunod ay mag-ibigan sa isa’t isa. (Juan 13:34) Kahit na ang lalaki ay nagkakamali at di-sakdal, kung kaniyang ginagampanan ang kaniyang autoridad na kasuwato ng nakatataas na pagkaulo ng Kristo, pinadadali niya para sa kaniyang asawa na maging maligaya na siya ang maging ulo niya. (1 Corinto 11:3) Kung pinauunlad ng isang asawang babae ang Kristiyanong mga katangian ng kahinhinan at kagandahang-loob, hindi mahirap para sa kaniya na pasakop sa kaniyang asawa.

  • Ano ba ang Kahulugan ng Pagpapasakop Kung Tungkol sa Pag-aasawa?
    Ang Bantayan—1991 | Disyembre 15
    • Ang ganiyang mga saloobin ay dapat paunlarin sa kongregasyon. At lalung-lalo nang dapat paunlarin sa pagsasamahan ng mag-asawa sa tahanang Kristiyano. Ang isang lalaki ay makapagpapakita ng kaniyang magiliw na pagmamahal at kahinahunan sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mungkahi ng kaniyang asawa. Dapat niyang isaalang-alang ang punto de vista ng kaniyang asawa bago gumawa ng pagpapasiya na may kinalaman sa pamilya. Ang mga Kristiyanong asawang babae ay hindi naman oo na lamang nang oo. Sila’y malimit na makapagbibigay sa kani-kanilang asawa ng mahalagang mga mungkahi, gaya nang ginawa ni Sara sa kaniyang asawa, si Abraham. (Genesis 21:12) Sa kabilang dako, ang isang babaing Kristiyano ay hindi naman magiging isang walang-katuwirang mapaghanap sa kaniyang asawa. Kaniyang ipakikita ang kaniyang kabaitan at kababaang-loob sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang pangunguna at pagsuporta sa kaniyang mga pasiya, kahit na kung minsan ang mga ito ay iba sa kaniyang mga nagugustuhan.

      Ang isang makatuwirang asawang lalaki, tulad ng isang makatuwirang elder, ay madaling lapitan at mabait. Ang isang mapagmahal na asawang babae ay tumutugon sa pamamagitan ng pagiging mahabagin at matiisin, na kumikilala sa kaniyang pagsisikap na kaniyang ginagawa upang magampanan ang kaniyang mga pananagutan sa kabila ng di-kasakdalan at mga kagipitan sa buhay. Pagka ang ganiyang mga saloobin ay pinauunlad ng mag-asawa, ang pagpapasakop ng mag-asawa sa isa’t isa ay hindi magiging isang suliranin. Bagkus, iyon ay pinagmumulan ng kagalakan, katiwasayan, at namamalaging kasiyahan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share