Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
      • Responsibilidad ng mag-asawa. Dapat mahalin at igalang ng mag-asawa ang isa’t isa. (Efeso 5:33) Dapat nilang ibigay ang seksuwal na pangangailangan ng isa’t isa sa mapagmahal na paraan at iwasan ang anumang kawalang-katapatan. (1 Corinto 7:3; Hebreo 13:4) Kung may mga anak sila, responsibilidad nilang dalawa na palakihin ang mga ito.—Kawikaan 6:20.

        Tinutulungan ng nanay ang anak niyang babae sa paggawa ng assignment nito habang naghihiwa ng gulay ang tatay sa likuran.

        Hindi detalyadong ipinapaliwanag ng Bibliya kung paano paghahatian ng mag-asawa ang sekular na trabaho at mga gawaing-bahay. Sila ang magpapasiya kung ano ang pinakamabuti para sa pamilya nila.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
      • Ang papel ng asawang babae. Sinasabi ng Bibliya na ang asawang babae ay “dapat magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.” (Efeso 5:33) Natutuwa ang Diyos kapag nirerespeto ng asawang babae ang papel na ibinigay Niya sa asawang lalaki.

        Pinag-uusapan ng mag-asawa ang mga gastusin nila at bayarin.

        Papel ng asawang babae na tulungan ang asawang lalaki na makagawa ng matatalinong desisyon at suportahan ang pagkaulo nito. (Genesis 2:18) Pinupuri ng Bibliya ang asawang babae na gumaganap sa mahalagang papel niya sa pag-aasawa.—Kawikaan 31:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share