Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkamasunurin—Isa Bang Mahalagang Aral sa Panahon ng Pagkabata?
    Ang Bantayan—2001 | Abril 1
    • “Upang Mapabuti Ka”

      Itinuro ni Pablo ang isa pang kapakinabangan ng pagkamasunurin nang isulat niya: “ ‘Parangalan mo ang iyong ama at ang iyong ina’; na siyang unang utos na may pangako: ‘Upang mapabuti ka at mamalagi ka nang mahabang panahon sa lupa.’ ” (Efeso 6:2, 3; Exodo 20:12) Sa anong mga paraan maaaring magbunga ng kabutihan sa isa ang pagkamasunurin sa mga magulang?

      Una, hindi ba’t totoo na taglay ng mga magulang ang bentaha ng edad at karanasan? Bagaman tila wala silang gaanong alam sa mga computer o sa iba pang mga asignatura na itinuturo sa paaralan, marami silang nalalaman tungkol sa pamumuhay at sa pagharap sa mga suliranin sa buhay. Sa kabilang dako naman, ang mga kabataan ay nagkukulang sa timbang na pag-iisip na bunga ng pagkamaygulang. Kaya, may hilig sila na magmadali sa pagpapasiya, at madalas na nagpapadala sa nakapipinsalang panggigipit ng kasamahan, na nagbubunga ng sarili nilang kapahamakan. Makatotohanang sinasabi ng Bibliya: “Ang kamangmangan ay nakatali sa puso ng bata.” Ano ang lunas? “Ang pamalong pandisiplina ang maglalayo nito sa kaniya.”​—Kawikaan 22:15.

      Ang mga kapakinabangan ng pagkamasunurin ay hindi lamang sa ugnayan ng magulang at anak. Para gumana nang maayos at mabunga ang lipunan ng tao, dapat na may pakikipagtulungan, na nangangahulugan naman ng pagkakaroon ng isang antas ng pagkamasunurin. Halimbawa, sa pag-aasawa, ang pagiging handang magbigay, sa halip na ang pagiging mapaghanap at manhid sa mga karapatan at damdamin ng iba, ang siyang nagdudulot ng kapayapaan, pagkakasundo, at kaligayahan. Sa lugar ng trabaho, ang pagpapasakop ng empleado ay isang kahilingan upang magtagumpay ang anumang negosyo o proyekto. May kinalaman sa mga batas at regulasyon ng pamahalaan, hindi lamang pinalalaya ng pagkamasunurin ang isa mula sa kaparusahan kundi nakapagdudulot din ito sa paanuman ng isang antas ng kaligtasan at proteksiyon.​—Roma 13:1-7; Efeso 5:21-​25; 6:5-8.

      Ang mga kabataang sumusuway sa awtoridad ay madalas na nagiging di-katanggap-tanggap sa lipunan. Sa kabaligtaran naman, ang kapakinabangan ng aral hinggil sa pagkamasunurin na natutuhan sa panahon ng pagkabata ay maaaring tamasahin sa buong buhay ng isa. Tunay ngang makabubuti na matutuhan ito sa panahon ng pagkabata!

  • Pagkamasunurin—Isa Bang Mahalagang Aral sa Panahon ng Pagkabata?
    Ang Bantayan—2001 | Abril 1
    • Alalahanin na, tulad ng pagkasabi ni apostol Pablo, ang utos na maging masunurin sa mga magulang ay may dalawahang pangako, iyon ay, upang “mapabuti ka at mamalagi ka nang mahabang panahon sa lupa.” Tiniyak ang pangakong ito sa Kawikaan 3:1, 2: “Anak ko, ang aking kautusan ay huwag mong limutin, at ang aking mga utos ay ingatan nawa ng iyong puso, sapagkat ang kahabaan ng mga araw at mga taon ng buhay at kapayapaan ay madaragdag sa iyo.” Ang dakilang gantimpala para sa mga sumusunod ay isang personal na kaugnayan kay Jehova sa ngayon at buhay na walang hanggan sa isang mapayapang bagong sanlibutan.​—Apocalipsis 21:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share