Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paano Makikilala at Mapananagumpayan ang Anumang Espirituwal na Kahinaan
    Ang Bantayan—1999 | Abril 15
    • Yamang nakikibahagi sa espirituwal na digmaan​—isang labanán na kinasasangkutan ng pagkontrol sa isip at puso ng Kristiyano​—kailangang gawin natin ang lahat upang maingatan ang ating mga pakultad. Tandaan na kabilang sa mga bahagi ng ating espirituwal na baluti “ang baluti ng katuwiran,” na nagsasanggalang sa ating puso, at “ang helmet ng kaligtasan,” na nagsasanggalang sa ating isip. Ang pagkatutong gamitin nang mabisa ang mga paglalaang ito ay maaaring mangahulugan ng kaibahan ng tagumpay at pagkatalo.​—Efeso 6:14-17; Kawikaan 4:23; Roma 12:2.

  • Kung Paano Makikilala at Mapananagumpayan ang Anumang Espirituwal na Kahinaan
    Ang Bantayan—1999 | Abril 15
    • Kasangkot sa pagsusuot ng “helmet ng kaligtasan” ang pagpapanatiling malinaw sa isipan ang kamangha-manghang mga pagpapala sa hinaharap, na hindi pinahihintulutan ang ating sarili na mailihis ng kinang at halina ng sanlibutan. (Hebreo 12:2, 3; 1 Juan 2:16) Ang pagtataglay ng ganitong pangmalas ay tutulong sa atin na unahin ang espirituwal na mga kapakanan kaysa sa pagtatamo ng materyal o personal na bentaha. (Mateo 6:33) Kaya, upang matiyak na tayo ay may ganitong bahagi ng baluti na nasa wastong dako, kailangang may-katapatang tanungin ang ating sarili: Ano ang itinataguyod ko sa buhay? Mayroon ba akong espesipikong espirituwal na mga tunguhin? Ano ang ginagawa ko upang maabot ang mga ito? Kabilang man tayo sa nalabing mga pinahirang Kristiyano o sa napakaraming “malaking pulutong,” dapat nating tularan si Pablo, na nagsabi: “Hindi ko pa itinuturing ang aking sarili na nakahawak na roon; ngunit may isang bagay tungkol doon: Kinalilimutan ang mga bagay na nasa likuran at inaabot ang mga bagay na nasa unahan, ako ay nagsusumikap patungo sa tunguhin.”​—Apocalipsis 7:9; Filipos 3:13, 14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share