Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 4:6, 7—“Huwag Kayong Mabalisa Tungkol sa Anumang Bagay”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
    • “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”—Filipos 4:6, 7, Bagong Sanlibutang Salin.

      “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, idulog ninyo sa Dios ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsamong may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Dios na di masayod ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso’t pag-iisip kay Cristo Jesus.”—Filipos 4:6, 7, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.

  • Filipos 4:6, 7—“Huwag Kayong Mabalisa Tungkol sa Anumang Bagay”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
    • Kapag nanalangin tayo sa ganiyang mga paraan, bibigyan tayo ng Diyos ng kapayapaan. Tumutukoy ang “kapayapaan ng Diyos” sa kapanatagang nararamdaman natin dahil sa malapít na kaugnayan sa kaniya. (Roma 15:13; Filipos 4:9) Ang kapayapaang ito ay “nakahihigit sa lahat ng kaisipan” dahil galing ito sa Diyos at matutulungan tayo nito nang higit pa sa inaasahan natin.

      Sinasabi sa tekstong ito na kayang bantayan ng kapayapaan ng Diyos ang ating puso. Ang salitang Griego na isinaling “magbabantay” ay may kaugnayan sa isang terminong militar na ginagamit para ilarawan ang ginagawa ng mga sundalo para bantayan ang isang napapaderang lunsod. Ganiyan din ang nagagawa ng kapayapaan ng Diyos. Binabantayan nito ang emosyon at pag-iisip ng isang tao para makayanan niya ang mga problema.

      Nangyayari ito “sa pamamagitan ni Kristo Jesus” dahil kung hindi dahil kay Jesus, hindi tayo puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ibinigay ni Jesus ang buhay niya bilang haing pantubos para sa mga kasalanan natin. Kung mananampalataya tayo sa kaniya, pagpapalain tayo ng Diyos. (Hebreo 11:6) Si Jesus din ang daan para makalapit sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Walang sinumang makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”—Juan 14:6; 16:23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share