Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kinapopootan Dahil sa Kanilang Pananampalataya
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 1
    • 17. Ano ang nagpapakita na naging mabisa ang gawaing pangangaral ng mga Kristiyano noong unang siglo?

      17 Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos taglay ang di-nagmamaliw na sigasig. (Mateo 24:14) Noong mga 60 C.E., nasabi ni Pablo na ang mabuting balita ay “ipinangaral [na] sa lahat ng nilalang na nasa ilalim ng langit.” (Colosas 1:23) Sa pagtatapos ng unang siglo, ang mga tagasunod ni Jesus ay nakagawa na ng mga alagad sa buong Imperyong Romano​—sa Asia, Europa, at Aprika! Maging ang ilang miyembro ng “sambahayan ni Cesar” ay naging mga Kristiyano.a (Filipos 4:22) Pumukaw ng galit ang ganitong masigasig na pangangaral. Ganito ang sabi ni Neander: “Patuloy na lumago ang Kristiyanismo sa gitna ng lahat ng uri ng mga tao, at nagbantang ibagsak ang relihiyon ng estado.”

  • Kinapopootan Dahil sa Kanilang Pananampalataya
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 1
    • a Ang pananalitang “sambahayan ni Cesar” ay hindi naman laging tumutukoy sa mga kapamilya ni Nero, na namamahala noon. Sa halip, maaaring kumakapit ito sa mga tagapaglingkod sa sambahayan at mabababang opisyal, na marahil ay naglilingkod sa sambahayan bilang mga tagapagluto at tagapaglinis para sa maharlikang pamilya at mga tauhan nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share