Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Suliranin sa Teolohiya
    Ang Bantayan—1995 | Marso 1
    • Ganito ang sabi ng Catechism of the Catholic Church: “Upang bumangon kasama ni Kristo, kailangang mamatay tayo kasama ni Kristo: tayo’y kailangang ‘maging malayo sa katawan at manahang kasama ng Panginoon’. [2 Corinto 5:8] Sa ‘paglayong’ iyon na siyang kamatayan ang kaluluwa ay humihiwalay sa katawan. [Filipos 1:23]. Iyon ay magiging kaisang-muli ng katawan sa araw ng pagkabuhay-muli ng mga patay.” Ngunit sa mga tekstong sinipi rito, sinasabi ba ng apostol na nananatiling buháy ang kaluluwa pagkamatay ng katawan at pagkatapos ay naghihintay ng “Huling Paghuhukom” upang maging kaisang-muli ng katawan?

  • Isang Suliranin sa Teolohiya
    Ang Bantayan—1995 | Marso 1
    • Sa Filipos 1:21, 23, ganito ang sabi ni Pablo: “Sa aking kalagayan ang mabuhay ay si Kristo, at ang mamatay, pakinabang. Ako ay nasa ilalim ng panggigipit mula sa dalawang bagay na ito; ngunit ang akin ngang ninanasa ay ang paglaya at ang pagiging kasama ni Kristo, sapagkat ito, sa katunayan, ay higit na lalong mabuti.” Bumabanggit ba si Pablo rito ng isang “intermediate state”? Gayon ang palagay ng iba. Gayunman, sinasabi ni Pablo na siya ay nasa ilalim ng panggigipit ng dalawang posibilidad​—buhay o kamatayan. “Ngunit ang akin ngang ninanasa,” sinabi pa niya, na binabanggit ang ikatlong posibilidad, “ay ang paglaya at pagiging kasama ni Kristo.” Ang “paglaya” upang makasama ni Kristo karaka-raka pagkamatay? Buweno, gaya ng nakita na natin, naniniwala si Pablo na ang tapat na mga pinahirang Kristiyano ay bubuhaying-muli sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo. Samakatuwid, ang nasa isip niya ay ang mga pangyayari sa panahong iyan.

      Makikita ito sa kaniyang mga salita na masusumpungan sa Filipos 3:20, 21 at 1 Tesalonica 4:16. Ang gayong “paglaya” sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo Jesus ay magpapangyaring matanggap ni Pablo ang gantimpala na inihanda ng Diyos para sa kaniya. Na ito ang kaniyang pag-asa ay makikita sa kaniyang mga salita sa binatang si Timoteo: “Mula ngayon ay nakalaan para sa akin ang korona ng katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon, ang matuwid na hukom, bilang gantimpala sa araw na iyon, gayunma’y hindi lamang sa akin, kundi gayundin sa lahat niyaong mga umibig sa paghahayag sa kaniya.”​—2 Timoteo 4:8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share