-
Pornograpya—Isa ba Lamang Di-nakapipinsalang LibanganGumising!—2002 | Hulyo 8
-
-
Ang seksuwal na mga pantasya ay tuwirang makahahadlang sa ating pagsamba sa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit sumulat si Pablo: “Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan . . . may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan, na siyang idolatriya.”—Colosas 3:5.
Iniuugnay rito ni Pablo ang pita sa sekso sa kaimbutan, ang labis-labis na paghahangad sa isang bagay na hindi niya taglay.a Ang kaimbutan ay isang uri ng idolatriya. Bakit? Sapagkat higit na inuuna ng isang mapag-imbot na tao ang bagay na ninanais niya sa lahat ng iba pang bagay, pati na ang Diyos. Pinagniningas ng pornograpya ang masamang pagnanasa sa isang bagay na hindi taglay ng isang tao. “Gusto mo ang seksuwal na buhay ng ibang tao. . . . Wala nang laman ang isip mo kundi ang paghahangad na iyon sa kung ano ang wala ka. . . . Anumang masama na ninanasa natin ay ating sinasamba,” ang sabi ng isang manunulat hinggil sa relihiyon.
-
-
Pornograpya—Isa ba Lamang Di-nakapipinsalang LibanganGumising!—2002 | Hulyo 8
-
-
a Hindi rito tinutukoy ni Pablo ang hinggil sa normal na pita sa sekso—ang normal na pagnanais na makipagtalik sa asawa.
-