Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gaano Kaselan ang Masturbasyon?
    Gumising!—1987 | Setyembre 8
    • Pumupukaw na “Pagkagahaman sa Sekso”

      “Patayin nga ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan,” ang himok ng Bibliya, “kung tungkol sa . . . pagkagahaman sa sekso.” (Colosas 3:5) Ang “pagkagahaman sa sekso” na ito ay hindi ang bagong mga pakiramdam sa sekso na nararanasan ng karamihan ng mga kabataan sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, kung saan sila’y walang sukat ikahiya. Ang “pagkagahaman sa sekso” ay umiiral kapag ang mga damdaming ito ay sumisidhi anupa’t ang isa ay nawawalan ng pagpipigil. Ang gayong pagkagahaman sa sekso ay humantong sa mahalay na imoralidad sa sekso, gaya ng inilarawan ni Pablo sa Roma 1:26, 27.b

      Subalit hindi ba “pinapatay” ng masturbasyon ang mga pitang ito? Sa kabaligtaran, gaya ng sinabi ng isang kabataan: “Kapag ikaw ay gumagawa ng masturbasyon, itinutuon mo ang iyong isipan sa mga masamang pita, at ang nagagawa lamang niyaon ay pasidhiin ang iyong pagkagahaman dito.” Kadalasan ang isang imoral na pantasya ay ginagamit upang pasidhiin ang kasiyahan sa sekso. (Mateo 5:27, 28) Kung ikaw ay mabibigyan ng tamang mga pagkakataon, madali kang mahuhulog sa imoralidad. Isang kabataan ang nagdadalamhati pagkatapos makagawa ng pakikiapid: “Noong minsan, inakala ko na ang masturbasyon ay maaaring makapagpaginhawa sa kabiguan nang hindi nasasangkot sa isang babae. Gayunman nagkaroon ako ng malakas na pagnanasang gawin ang gayon.” Sa katunayan, isinisiwalat ng isang pambansang pag-aaral na mas marami sa mga adolesenteng gumagawa ng masturbasyon, ang gumagawa rin ng pakikiapid. Nahigitan nila ang bilang niyaong mga donselya o malinis ng 50 porsiyento! Ang gawaing ito ay tiyak na hindi nakabawas ng kanilang “pagkagahaman sa sekso”!

  • Gaano Kaselan ang Masturbasyon?
    Gumising!—1987 | Setyembre 8
    • b Ang orihinal na salitang Griego para sa “pagkagahaman sa sekso” (paʹthos) ay ginamit ng unang-siglong mananalaysay na si Josephus upang ilarawan ang asawa ni Potiphar, na, dahilan sa “labis-labis na simbuyo ng damdamin [paʹthos],” ay sinikap na akitin ang kabataang si Jose; at ang lalaking si Amnon, na, “nag-aalab ang nasa at udyok ng bugso ng simbuyo ng damdamin [paʹthos], ay dinahas [pinagsamantalahan] ang kaniyang kapatid.” Ang simbuyo ng damdamin kapuwa ng asawa ni Potiphar at ni Amnon ay hindi masupil.​—Genesis 39:7-12; 2 Samuel 13:10-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share