Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaharian ng Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang “Kaharian ng Anak ng Kaniyang Pag-ibig.” Sampung araw pagkaakyat ni Jesus sa langit, noong Pentecostes ng 33 C.E., tumanggap ang kaniyang mga alagad ng katibayan na siya ay “itinaas sa kanan ng Diyos” nang ibuhos sa kanila ni Jesus ang banal na espiritu. (Gaw 1:8, 9; 2:1-4, 29-33) Sa gayon ay nagkabisa sa kanila ang “bagong tipan,” at sila ang naging pinakapundasyon ng isang bagong “banal na bansa,” ang espirituwal na Israel.​—Heb 12:22-24; 1Pe 2:9, 10; Gal 6:16.

      Mula noon, si Kristo ay nakaupo na sa kanan ng kaniyang Ama at siya ang Ulo sa kongregasyong ito. (Efe 5:23; Heb 1:3; Fil 2:9-11) Ipinakikita ng Kasulatan na mula noong Pentecostes 33 C.E., isang espirituwal na kaharian ang itinatag upang mamahala sa kaniyang mga alagad. Nang sumulat ang apostol na si Pablo sa unang-siglong mga Kristiyano sa Colosas, binanggit niya na si Jesu-Kristo ay mayroon nang isang kaharian: ‘Iniligtas tayo ng Diyos mula sa awtoridad ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig.’​—Col 1:13; ihambing ang Gaw 17:6, 7.

      Ang kaharian ni Kristo mula noong Pentecostes ng 33 C.E. ay isang espirituwal na kahariang namamahala sa espirituwal na Israel, mga Kristiyanong inianak ng espiritu ng Diyos upang maging espirituwal na mga anak ng Diyos. (Ju 3:3, 5, 6) Kapag tinanggap na ng gayong mga Kristiyanong inianak sa espiritu ang kanilang makalangit na gantimpala, hindi na sila makalupang mga sakop ng espirituwal na kaharian ni Kristo, kundi magiging mga hari sila kasama ni Kristo sa langit.​—Apo 5:9, 10.

  • Kaharian ng Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang “ating Panginoon,” ang Soberanong Panginoong Jehova, ang siyang gumagamit ng kaniyang awtoridad sa “kaharian ng sanlibutan,” anupat nagtatatag ng isang bagong kapahayagan ng kaniyang soberanya sa ating lupa. Binibigyan niya ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ng pangalawahing bahagi sa Kahariang iyon, kung kaya tinatawag ito na “kaharian ng ating Panginoon at ng kaniyang Kristo.” Mas malaki at mas malawak ang Kahariang ito kaysa sa “kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig,” na tinukoy sa Colosas 1:13. Ang “kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig” ay nagsimula noong Pentecostes 33 C.E. at namamahala sa mga pinahirang alagad ni Kristo; ang “kaharian ng ating Panginoon at ng kaniyang Kristo” ay iniluwal naman noong matapos ang “mga takdang panahon ng mga bansa” at namamahala ito sa buong sangkatauhan sa lupa.​—Luc 21:24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share