Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Makasumpong ng Katiwasayan sa Piling ng Bayan ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
    • “DAMTAN NINYO ANG INYONG MGA SARILI NG PAG-IBIG”

      9. Papaano nagpakita ng halimbawa si Jehova sa pagpapamalas ng pag-ibig?

      9 Sumulat si Pablo: “Damtan ninyo ang inyong mga sarili ng pag-ibig, sapagkat ito ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.” (Colosas 3:14) Magiliw na inilaan ni Jehova ang kasuutang ito sa atin. Sa anong paraan? Maaaring ipamalas ng mga Kristiyano ang pag-ibig sapagkat isa ito sa bigay-Diyos na mga bunga ng banal na espiritu ni Jehova. (Galacia 5:​22, 23) Ipinamalas mismo ni Jehova ang pinakadakilang pag-ibig sa pamamagitan ng pagsusugo sa kaniyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan. (Juan 3:16) Ang sukdulang pagpapamalas na ito ng pag-ibig ay naglalaan ng isang modelo para sa atin sa pagpapahayag ng katangiang ito. “Kung sa ganitong paraan tayo inibig ng Diyos,” ang sulat ni apostol Juan, “samakatuwid tayo mismo ay nasa ilalim ng obligasyon na mag-ibigan sa isa’t isa.”​—1 Juan 4:11.

      10. Papaano tayo makikinabang mula sa “buong samahan ng mga kapatid”?

      10 Ang pagdalo mo sa mga pulong sa Kingdom Hall ay magbibigay sa iyo ng napakagandang pagkakataon upang magpakita ng pag-ibig. Makikilala mo roon ang iba’t ibang uri ng tao. Walang-pagsalang maaakit ka agad ng marami sa kanila. Mangyari pa, nagkakaiba-iba ang mga personalidad kahit niyaong mga naglilingkod kay Jehova. Marahil noon ay iniiwasan mo ang mga taong may ibang hilig o ugali kaysa sa iyo. Gayunman, ang mga Kristiyano ay dapat “magkaroon ng pag-ibig sa buong samahan ng mga kapatid.” (1 Pedro 2:17) Samakatuwid, gawin mong tunguhin na makilala ang mga nasa Kingdom Hall​—kahit yaong ang edad, personalidad, lahi, o pinag-aralan ay iba sa iyo. Malamang na masusumpungan mong bawat isa’y nangingibabaw sa ilang kaibig-ibig na katangian.

      11. Bakit hindi ka dapat mabahala sa iba’t ibang personalidad ng bayan ni Jehova?

      11 Ang pagkakaiba-iba ng personalidad sa kongregasyon ay hindi dapat makabahala sa iyo. Bilang halimbawa, gunigunihin mo ang maraming sasakyang naglalakbay na kasabay mo sa daan. Hindi lahat ay pare-pareho ang bilis ng takbo, ni pare-pareho ang kondisyon. Ang ilan ay nakapaglakbay na nang milya-milya, ngunit gaya mo, ang iba naman ay nagsisimula pa lamang. Gayunman, bagaman nagkakaiba-iba, lahat ay naglalakbay sa daan. Katulad ito ng mga taong bumubuo ng isang kongregasyon. Hindi pare-pareho ang bilis ng pagpapaunlad ng Kristiyanong mga katangian. Isa pa, hindi lahat ay nagkakapareho sa pisikal o emosyonal na kondisyon. Ang ilan ay maraming taon nang sumasamba kay Jehova; ang iba naman ay nagsisimula pa lamang. Ngunit, lahat ay naglalakbay sa daan patungo sa buhay na walang-hanggan, anupat ‘lubos na nagkakaisa sa iisang pag-iisip at sa iisang takbo ng kaisipan.’ (1 Corinto 1:10) Samakatuwid, hanapin ang mahuhusay na katangian sa halip na mga kahinaan niyaong mga nasa kongregasyon. Ang paggawa niyan ay magpapasigla sa iyong puso, yamang mapagtatanto mong ang Diyos ay tunay ngang kapiling ng mga taong ito. At tiyak na ito ang lugar na nais mong puntahan.​—1 Corinto 14:25.

      12, 13. (a) Kung nagkasala sa iyo ang isa sa kongregasyon, ano ang maaari mong gawin? (b) Bakit mahalaga na huwag magkimkim ng galit?

      12 Yamang ang lahat ng tao’y di-sakdal, kung minsan ay may isa sa kongregasyon na makapagsasalita o makagagawa ng isang bagay na makaiinis sa iyo. (Roma 3:23) Makatotohanang sumulat ang alagad na si Santiago: “Tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal.” (Santiago 3:2) Ano ang gagawin mo kapag may nagkasala sa iyo? Ganito ang sabi ng isang kawikaan sa Bibliya: “Ang malalim na unawa ng isang tao ay tunay na nagpapabagal ng kaniyang galit, at isang kagandahan sa kaniyang bahagi ang paraanin niya ang pagsalansang.” (Kawikaan 19:11) Ang pagkakaroon ng malalim na unawa ay nangangahulugang nakikita ang nasa likod ng isang kalagayan, nauunawaan ang nasa ilalim na mga dahilan kung bakit nakapagsalita o nakakilos nang gayon ang isang tao. Karamihan sa atin ay malimit na gumagamit ng malalim na unawa upang pagpaumanhinan ang ating sariling mga pagkakamali. Bakit hindi rin gamitin iyon upang maunawaan at mapagtakpan ang mga di-kasakdalan ng iba?​—Mateo 7:​1-5; Colosas 3:13.

      13 Huwag kalilimutan kailanman na dapat tayong magpatawad sa iba upang tayo mismo ay tumanggap ng kapatawaran ni Jehova. (Mateo 6:​9, 12, 14, 15) Kung isinasagawa natin ang katotohanan, pakikitunguhan natin ang iba sa maibiging paraan. (1 Juan 1:​6, 7; 3:​14-16; 4:​20, 21) Samakatuwid, kapag nagkaproblema ka sa isa sa kongregasyon, labanan ang pagkikimkim ng galit. Kung ikaw ay nadaramtan ng pag-ibig, magsisikap kang malutas ang suliranin, at hindi ka mag-aatubiling humingi ng paumanhin kung ikaw naman ang siyang nakasakit.​—Mateo 5:​23, 24; 18:​15-17.

      14. Dapat tayong maramtan ng anu-anong katangian?

      14 Dapat na kabilang sa ating espirituwal na kasuutan ang iba pang katangiang may malapit na kaugnayan sa pag-ibig. Sumulat si Pablo: “Damtan ninyo ang inyong mga sarili ng magiliw na pagmamahal ng pagkamadamayin, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang-pagtitiis.” Ang mga katangiang ito, na nauugitan ng pag-ibig, ay mga bahagi ng maka-Diyos na “bagong personalidad.” (Colosas 3:​10, 12) Magsisikap ka bang damtan ang iyong sarili nang ganito? Habang dinaramtan mo ang iyong sarili ng pangkapatirang pag-ibig lalo mong tataglayin ang pagkakakilanlang tanda ng mga alagad ni Jesus, sapagkat sinabi niya: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.”​—Juan 13:35.

  • Makasumpong ng Katiwasayan sa Piling ng Bayan ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
    • [Buong-pahinang larawan sa pahina 165]

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share