Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Mo Ipapangaral ang Mabuting Balita?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 1. Paano mo sasabihin sa mga kakilala mo ang mga natututuhan mo?

      Sinabi ng mga alagad ni Jesus: “Hindi namin kayang tumigil sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na nakita namin at narinig.” (Gawa 4:20) Napakahalaga sa kanila ng katotohanan kaya gustong-gusto nila itong sabihin sa lahat ng tao. Iyan din ba ang nararamdaman mo? Kung oo, maghanap ng pagkakataon para masabi sa mga kapamilya at kaibigan mo ang mga natututuhan mo sa magalang na paraan.​—Basahin ang Colosas 4:6.

      Ang puwede mong gawin

      • Kapag nakikipag-usap ka sa kapamilya mo, puwede mong maipasok ang mga paksa sa Bibliya kung sasabihin mo: “Nagustuhan ko y’ong natutuhan ko ngayong linggo, tungkol ’yon sa . . . ”

      • Mag-share ng isang teksto sa isang kaibigan mo na may sakit o nadedepres.

      • Kapag kinumusta ka ng katrabaho mo, sabihin mo sa kaniya ang mga natutuhan mo sa Bible study o sa pulong.

      • Ipakita ang website na jw.org sa mga kaibigan mo.

      • Yayain mo ang iba na sumama sa Bible study mo, o turuan sila kung paano magre-request ng pag-aaral sa jw.org.

  • Paano Mo Ipapangaral ang Mabuting Balita?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 4. Maging magalang

      Kapag sinasabi mo sa iba ang mabuting balita, huwag mo lang isipin kung ano ang sasabihin mo, isipin mo rin kung paano mo iyon sasabihin. Basahin ang 2 Timoteo 2:24 at 1 Pedro 3:15. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Paano mo magagamit ang mga tekstong ito kapag nangangaral ka?

      • Baka hindi interesado sa mga sinasabi mo ang mga kapamilya at kaibigan mo. Ano ang puwede mong gawin? At ano ang hindi mo dapat gawin?

      • Bakit mas magandang gumamit ng pinag-isipang tanong kaysa sa basta ipilit sa kanila ang mga paniniwala mo?

      Isang Bible study na nangangaral sa kaniyang kamag-anak.
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share