Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Natin Mapananatili ang “Mapaghintay na Saloobin”?
    Ang Bantayan—2013 | Nobyembre 15
    • 9-11. Natupad na ba ang 1 Tesalonica 5:3? Ipaliwanag.

      9 Basahin ang 1 Tesalonica 5:1-3. Di-magtatagal, ang mga bansa ay magdedeklara ng “Kapayapaan at katiwasayan!” Kung ayaw nating madaya nito, kailangang “manatili tayong gising at panatilihin ang ating katinuan.” (1 Tes. 5:6) Para makapanatili tayong gising sa espirituwal, makakatulong kung rerepasuhin natin sa maikli ang mga kaganapang hahantong sa deklarasyong ito.

      10 Pagkatapos ng mga digmaang pandaigdig, sinikap ng mga bansa na makapagtatag ng kapayapaan. Binuo ang Liga ng mga Bansa pagkaraan ng unang digmaang pandaigdig, at ang United Nations naman pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Umasa ang mga lider ng gobyerno at relihiyon na magdudulot ng kapayapaan ang mga organisasyong iyon. Halimbawa, ang taóng 1986 ay idineklara ng United Nations bilang Internasyonal na Taon ng Kapayapaan. Nang taóng iyon, ang mga lider ng maraming bansa at relihiyon ay nagtipon sa Assisi, Italy, kasama ng pinuno ng Simbahang Katoliko, upang magdasal para sa kapayapaan.

      11 Gayunman, hindi ang deklarasyong iyon ni ang iba pang katulad nito ang katuparan ng hula sa 1 Tesalonica 5:3 tungkol sa “kapayapaan at katiwasayan.” Bakit? Dahil ang inihulang “biglang pagkapuksa” ay hindi naganap.

      12. Ano ang alam natin tungkol sa pagdedeklara ng “Kapayapaan at katiwasayan”?

      12 Sino ang magdedeklara ng “Kapayapaan at katiwasayan”? Anong papel ang gagampanan ng mga lider ng Sangkakristiyanuhan at ng iba pang mga relihiyon? Ano ang magiging bahagi ng mga lider ng iba’t ibang gobyerno sa deklarasyong iyon? Walang sinasabi ang Bibliya tungkol dito. Pero paano man isasagawa ang gayong deklarasyon at kahit pa kapani-paniwala iyon, alam nating hindi iyon totoo. Ang sistemang ito ay mananatiling kontrolado ni Satanas. Bulok na bulok ito at hindi na magbabago. Nakalulungkot nga kung may sinuman sa atin na maniniwala sa propaganda ni Satanas at hindi mananatiling neutral!

  • Paano Natin Mapananatili ang “Mapaghintay na Saloobin”?
    Ang Bantayan—2013 | Nobyembre 15
    • 14. Ano ang nagpapakitang malapit na ang katapusan ng Babilonyang Dakila?

      14 Ang Babilonyang Dakila, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, ay pupuksain gaya ng nararapat sa kaniya. Sa panahong iyon, hindi siya matutulungan ng “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” Nakikita na nating malapit na ang kaniyang katapusan. (Apoc. 16:12; 17:15-18; 18:7, 8, 21) Ngayon pa lang, ang kawalan ng suporta sa kaniya ay mapapansin sa mga ulat tungkol sa tumitinding pagbatikos sa mga relihiyon at mga lider nito. Pero para sa mga lider ng Babilonyang Dakila, wala silang dapat ipag-alala. Nagkakamali sila! Pagkatapos ng deklarasyon ng “Kapayapaan at katiwasayan!” ang pulitikal na mga elemento ng sistema ni Satanas ay biglang babaling sa huwad na relihiyon at pupuksain ito. Tuluyan nang maglalaho ang Babilonyang Dakila! Hindi ba’t sulit na maghintay nang may pagtitiis hanggang sa maganap ang mahahalagang pangyayaring ito?​—Apoc. 18:8, 10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share