Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bahagi 23—1945 patuloy—Ang Panahon ng Pagtutuos ay Malapit Na
    Gumising!—1989 | Disyembre 8
    • Ngayon, sa ating salinlahi, ang pangkalahatang imperyo ng huwad na relihiyon ay nakaharap sa isang malaking kapahamakan. Minsan pang ang “nagkampong mga hukbo” ay naghahandang maggawad ng banal na kahatulan. Gaya ng mga Romanong hukbo ng unang siglo na nakatalagang panatilihin ang Pax Romana (Kapayapaan Romano), ang nagkampong mga hukbo sa ngayon ay isang instrumento ng pagpapanatili ng kapayapaan. Ipinakikita ng hula ng Bibliya na ang militarisadong mga puwersa sa mga bansang kasapi ng UN ay magiging instrumento ni Jehova sa katapus-tapusang pagtutuos sa modernong-panahong Jerusalem, ang Sangkakristiyanuhan, gayundin sa natitirang bahagi ng Babiloniyang Dakila.​—Apocalipsis 17:7, 16.

      Kailan ito mangyayari? Ang Unang Tesalonica 5:3 ay sumasagot: “Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ saka naman ang biglaang pagkapuksa ay biglang-biglang darating sa kanila gaya ng pagdaramdam sa panganganak ng babaing nagdadalangtao; at sila’y hindi makatatakas sa ano mang paraan.”

      “Ang Epidemya ng Kapayapaan”

      Noong 1988 ang dating U.S. secretary of state na si George Schultz ay nagsabi na “ang kapayapaan ay naglabasan sa lahat ng dako.” Isang dalubhasa sa patakarang panlabas ang nagsalita tungkol sa “isang epidemya ng kapayapaan.” Ang bantog na Alemang lingguhang-babasahin na Die Zeit ay nagtanong: “Maaari kayang, sa isang siglong punô ng malalaking mga sakuna, na sa huling dekada nito ay wakasan ang pagkapuksa at simulan ang isang panahon ng mapayapang pagtatayo?” At sinabi ng magasing Time: “Ang kapayapaan ay nagbabanta sa Iran-Iraq, Kampuchea, Afghanistan, timog Aprika at maging sa Gitnang Amerika.”

      Ang taong 1989, na ngayo’y malapit nang magwakas, ay punúng-punô rin ng mga usapang pangkapayapaan. Noong Pebrero ang pahayagang Aleman na Süddeutsche Zeitung ay may ganitong editoryal: “Mula noong 1985 tayo’y nabubuhay sa isang panahon kung saan ang mga superpowers ay hindi lamang umiwas sa pagdidigmaan. . . . Sa ngayon halos walang dako sa lupa kung saan ang dalawang superpowers ay hindi nagtatagpo. . . . Sa anumang antas, hindi pa kailanman naging sing-aya ang mga palatandaan, ang kapuwa panig ay lubhang seryoso, at pagkarami-raming mga hakbang ang naisagawa nang sabay-sabay tungo sa tamang direksiyon.”

      Sa kamakailang nakalipas na anim na taon, ang mga bagay-bagay ay hindi maaliwalas. Napagmasdan ng peryodistang si Roy Larson na “sa kabuuan ng 1983 ang mga lider ng relihiyon sa buong daigdig ay sumigaw ng ‘kapayapaan,’ subalit walang kapayapaan.” Ang nakagugulat bang mga pangyayari sa daigdig sapol noon ay isang katuparan ng 1 Tesalonica 5:3? Hindi natin masasabi. Gayumpaman, malinaw na ngayon, Disyembre 1989, ang “kapayapaan at katiwasayan” ay mas malapit nang matupad kaysa noon.

      Ang Mga Lider ng Relihiyon ay Nagpapagal​—Para sa Ano?

      Gaya ng ipinakikita ni Larson, ang mga lider ng relihiyon ay hindi naging inaktibo sa pagtugis sa kapayapaan. Ipinagpapatuloy ang kaniyang pagtaya sa 1983, binabanggit niya ang “peregrinasyon para sa kapayapaan” tungo sa Gitnang Amerika at sa Caribbean na ginawa ni Juan Paulo II. Nang taon ding yaon, ang U.S. National Conference of Catholic Bishops ay nagpatibay sa isang sulat pastoral na pinamagatang “Ang Hamon ng Kapayaan.” Di-nagtagal, ang mga kinatawan ng mahigit sa 300 mga iglesiya mula sa 100 mga bansa ay nagtipon sa ikaanim na General Assembly of World Council of Churches at sinang-ayunan ang isang kahawig na resolusyon. Maraming mga Protestanteng ebanghelisador ang kasangkot rin sa tinawag ni Larson na “ang pangglobong pag-aabala sa kapayapaan.”

      Sa pagkakabuo nito noong 1948 at sa 1966 na komperensiya nito, ang World Council of Churches ay nagsalita laban sa paggamit sa mga makabagong sandata ng paglipol. Alinsunod dito, maraming klerigo at teologo ang nagsandata para sa kapayapaan, mga lalaking gaya ng Alemang Protestanteng teologo na si Helmut Gollwitzer. Maaga sa taóng ito, sa pagdiriwang ng kaniyang ika-80 kaarawan, siya ay pinuri ng isang Swiso Protestanteng lingguhang-babasahin bilang “teologong kasangkot sa pulitika, laging nagpapagal para sa kapayapaan,” at kung “paano sa pamamagitan ng kaniyang mga aral at pulitikal na pangako ay nakaimpluwensiya sa maraming teologo at maging sa kilusang pangkapayapaan sa loob ng iglesiya.”

      Kung magkagayon, hindi nakapagtataka na aktibong sinuportahan ng Babiloniyang Dakila ang 1986 International Year of Peace, itinalaga bilang gayon ng organisasyon ng Nagkakaisang mga Bansa, ang charter na nananawagan dito na “panatilihin ang pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan.” Noong taóng iyon, ang papang Katoliko, ang Anglikanong Arsobispo ng Canterbury, at 700 iba pang mga lider ng relihiyon, kasama ang mga nag-aangking Kristiyano, Budista, Hindu, Muslim, animistang Aprikano, katutubong mga Amerikano (mga Indiyan), Hudiyo, Sikh, Zoroastriano, Shintoista, at Jain, ay nagtipun-tipon sa Assisi, malapit sa Roma, upang manalangin para sa kapayaapaan.

      Kamakailan lamang, noong Enero 1989, ang Sunday Telegraph ng Sydney, Australia ay sumulat na ang mga membro ng “pananampalatayang Budista, Kristiyano, Hindu, Hudiyo, Muslim, Sikh, Unitaryo, Baha’i, Confucio, Jain, Shinto, Tao, Raja Yoga at Zoroastriano” ay nagtipon sa Melbourne para sa ikalimang asambleya ng World Conference on Religion and Peace. May kahalagahan, na “mahigit sa 600 kinatawan mula sa mga 85 na mga bansa . . . ang umamin na ang mga tensiyong dulot ng mga pagkakaiba sa relihiyon ay matagal nang ginamit bilang isa sa pangunahing sanhi ng digmaan.”

      Ang pakikibahaging relihiyoso sa paghahanap ng kapayapaan ay nagpapatunay sa minsa’y sinabi ni Dag Hammarksjold, dating pangkalahatang-kalihim ng United Nations: “Ang [UN] Organisasyon at ang mga iglesiya ay magkasama bilang mga kasapi sa mga pagsisikap ng lahat ng mga taong may mabuting hangarin, anuman ang kanilang kredo o paraan ng pagsamba, upang magtatag ng kapayapaan sa lupa.”

      Gayumpaman, ang mga martsa protesta ng Babiloniyang Dakila, ang kaniyang mga hayagang demonstrasyon, at ang kaniyang iba pang mga tusong paraan ng relihiyosong pakikialam sa mga pamamalakad pulitika ang magdudulot ng kaniyang pagkapuksa.a Nagdulot na ito ng kapuna-punang di-pagkakaunawaan, gaya ng inamin kamakailan ni Albert Nolan, isang prayleng Dominikan sa Timog Aprika, sinasabing: “Ang tanging epektibong paraan upang magtamasa ng kapayapaan na ayon sa kalooban ng Diyos ay ang pagsali sa labanan. . . . Upang makamit ang pagbabawas ng armas, ang mga salungatan sa pamahalaan ay halos hindi maiiwasan.”

      Hayaang patuloy na sumigaw ang Babiloniyang Dakila para sa kapayapaan. Hayaang ang papa ay patuloy na mag-alay ng kaniyang tradisyunal na Urbi et orbi (sa lunsod [Roma] at sa sanlibutan) pagbasbas sa Pasko at Pasko ng Pagkabuhay. Hayaang patuloy niyang ipagpalagay​—gaya ng ginawa niya noong Mayo​—na ang kasalukuyang pagbabawas ng mga tensiyong pulitikal ang sagot ng Diyos sa mga panalanging “Kristiyano.” Ang pagbubulalas ng mga salita ng kapayapaan at pag-angkin sa pagpapala ng Diyos ay hindi magpapawalang-sala sa Babiloniyang Dakila mula sa kaniyang madugong nakaraan. Pinanganganlan siya nito bilang ang pinakadakilang hadlang sa kapayapaan sa pagitan ng mga tao, maging sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, na kailanma’y umiral. Tuwiran o di tuwiran, ang bawat suliranin ng sangkatauhan ay matutunton sa kaniya!

      Isang kabalintunaan na ang huwad na relihiyon ay patuloy na nagsusumikap, kaisa ng UN, upang magkaroon ng mismong “kapayapaan at katiwasayan” na siyang magpapadali sa kaniyang pagkapuksa! Ang katapusan ng huwad na relihiyon ay magbabangong-puri sa Diyos ng tunay na relihiyon, na nagsasabing: “Huwag kayong padaya: Ang Diyos ay hindi napabibiro. Sapagkat anuman ang inihasik ng tao, ito rin ang aanihin niya.”​—Galacia 6:7.

  • Ang Paghahangad ng Kapayapaan at Katiwasayan
    Gumising!—1989 | Disyembre 8
    • Ang Paghahangad ng Kapayapaan at Katiwasayan

      Karamihan sa mga indibiduwal ay may likas na paghahangad ng kapayapaan at katahimikan, subalit ang paghahangad iyan ay nabigo sa kalakhang bahagi ng kasaysayan ng tao. Gayumpaman, sa di pa natatagalang mga taon, ay nakasumpong ng ilang pambihirang pagsulong sa paghahangad ng tao ng kapayapaan, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na talaan.

      1985: (Oktubre) Ipinagdiwang ng United Nations ang ika-40 kaarawan at itinalaga ang 1986 bilang ang Pandaigdig na Taon ng Kapayapaan.

      (Nobyembre) Ang unang pagpupulong ng superpowers sa loob ng anim na taon habang si Gorbachev at si Reagan ay nagtagpo; binanggit ni Reagan ang isang “sariwang pasimula.”

      1986: (Enero) Nanawagan si Gorbachev para sa pagbabawal ng lahat ng mga sandatang nukleyar sa taong 2000.

      (Setyembre) Isang komperensiya sa Confidence- and Security-Building Measures and Disarmament sa Europa (35 mga bansa, kasama ang Estados Unidos, Canada, ang Unyong Sobyet, at buong Europa maliban sa Albania) ang lumagda ng kasunduan upang bawasan ang panganib ng di-sinasadyang digmaan.

      (Oktubre) Ang pag-uusap ni Reagan at Gorbachev sa Iceland ay bigo, bagaman sinasabi ni Gorbachev na sila ay nasa bingit na ng paggawa ng “mga pangunahin, makasaysayang mga pagpapasiya.”

      1987: (Enero) Ang patakaran ng glasnost (pagiging prangka) ay tila nagbubukas ng isang bagong yugto sa Unyong Sobyet.

      (Marso) Unang pagdalaw ng isang Britanong punong ministro sa Moscow sa loob ng 12 taon.

      (Disyembre) Sina Gorbachev at Reagan ay lumagda sa INF (Intermediate-range Nuclear Forces) treaty upang alisin ang mga intermediate-range nuclear missiles.

      1988: (Marso) Ang Nicaragua at anti-Communist contras ay lumagda ng tigil-putukan, nagpasimula sa mga pag-uusap upang makaabot sa isang permanenteng kasunduan.

      (Abril) Ipinahayag ng Unyong Sobyet ang paglisan ng mga tropa mula sa Afghanistan sa Pebrero 1989; sumang-ayon ang Ethiopia at Somalia na wakasan na ang sagupaan.

      (Mayo) Ipinahayag ng Vietnam ang paglisan ng 50,000 tropa mula sa Kampuchea bago magwakas ang taon, ang iba ay sa 1990.

      (Hunyo) Ang Australyanong Punong Ministro Bob Hawke ay nagsabi tungkol sa Gorbachev-Reagan summit sa Moscow: “Sa kauna-unahang panahon sa buong yugto pagkatapos ng digmaan, mayroon ng mga tunay na palatandaan ng paglitaw ng isang daigdig na maaawing mamuhay nang mabuti sa kapayapaan.”

      (Hulyo) Ipinahayag ng Iran ang pagtanggap sa isang resolusyon ng UN na nananawagan ng tigil-putukan sa walong-taóng digmaang Iran-Iraq.

      (Agosto) Ang Estados Unidos ay sumang-ayong magbayad ng nabinbing bayarin sa UN, isang pagkilos na ginawa na ng mga Sobyet, at sa gayon ay tumutulong na wakasan ang suliranin ng pananalapi ng UN at binigyan ito ng isang bagong katayuan.

      (Setyembre) Ang mga puwersang gerilya ng Morocco at Polisario ay tinanggap ang plano ng UN na wakasan ang 13 taóng digmaan sa Kanlurang Sahara.

      (Oktubre) Ang puwersa ng pagpapanatili-ng-kapayapaan ng UN ay pinagkalooban ng Nobel Prize para sa Kapayapaan; pormal na winakasan ng Libya at Chad ang matagal nang kalagayan ng digmaan.

      (Disyembre) Sa UN, ipinahayag ni Gorbachev ang isang malaking unilateral na pagbabawas ng puwersang Sobyet sa loob ng dalawang taon at isang paglisan ng mga tropa at tangke mula sa Czechoslovakia, Hungary, at ang Demokratikong Republikang Aleman; ang Timog Aprika, Namibia, at Cuba ay sumang-ayong ipatupad ang resolusyon ng UN noong Abril 1, 1989, na nagbibigay ng pagsasarili sa Namibia at winawakasan ang 22 taon ng digmaan; kalahati ng 50,000 tropang Cubano sa Angola ang aalisin sa Nobyembre 1, ang natitira ay sa Hulyo 1, 1991; ang Estados Unidos ay sumasang-ayong makipag-usap sa Palestine Liberation Organization matapos tiyakin ni Yasser Arafat ang karapatan ng Israel “na mabuhay sa kapayapaan at katiwasayan.”

      1989: (Enero) 149 mga bansang dumalo sa Paris Conference on Chemical Weapons ay nanawagan para sa mabilis na aksiyon upang ipagbawal ang pagbuo, paggawa, pagtatago, at paggamit ng mga sandatang kemikal.

      (Pebrero) Lumagda ang Costa Rica, Honduras, El Salvador, Nicaragua, at Guatemala ng isang kasunduang tumitiyak ng kapayapaan sa Gitnang Amerika; ang pinakamalaking grupong rebelde ng Colombia, ang FARC (Colombian Revolutionary Armed Forces), ay nagpahayag ng tigil-putukan, nagbigay-pag-asa na ang 35 taon ng pakikidigmang gerilya ay malamang na magwakas.

      (Marso) Ang mga ministrong panlabas mula sa 35 bansa ay nagpasimula sa mga pag-uusap sa Vienna tungkol sa CFE (Negotiations on Conventional Armed Forces in Europe), sa layuning bawasan ang mga puwersang militar sa Europa.

      (Abril) Ipinahayag ng Vietnam ang lubos na paglisan ng mga tropa mula sa Kampuchea sa Setyembre 30.

      (Mayo) Nagsimulang alisin ng Hungary ang 40 taong harang na barbed wire sa hangganan ng Austria; sa unang pagpupulong ng mga lider Sobyet at Intsik sa loob ng 30 taon, ipinahayag ng mga Sobyet ang mga pagbabawas sa mga hukbong Asyano; sisimulan ng mga Sobyet ang pag-alis ng unilateral ng mga tropa at baluti mula sa Silanganing Europa.

      (Hunyo) Ang panawagan ni Bush para sa malaking pagbabawas ng mga tropa, tangke, artillery, at sasakyang panghimpapawid sa Europa sa taóng 1992 ay nag-udyok sa magasing pambalita na magsabing: “Maaaring buksan nito ang pinto sa pinakamahalagang pagbabawas ng mga armas sapol noong katapusan ng Digmaang Pandaigdig II.

      (Agosto) Limang mga bansa sa Gitnang Amerika ang sumang-ayon sa isang plano na wakasan ang mga labanan sa Nicaragua.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share