Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagpapahalaga sa “Mga Kaloob na mga Tao”
    Ang Bantayan—1999 | Hunyo 1
    • “Magbigay sa Kanila ng Higit Kaysa Pambihirang Konsiderasyon”

      14, 15. (a) Ayon sa 1 Tesalonica 5:12, 13, bakit nararapat nating bigyan ng konsiderasyon ang matatanda? (b) Bakit masasabi na ang matatanda ay ‘gumagawa nang masikap sa gitna natin’?

      14 Maaari rin nating ipakita ang ating pagpapahalaga sa “mga kaloob na mga tao” sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng konsiderasyon. Nang sumusulat sa kongregasyon sa Tesalonica, pinaalalahanan ni Pablo ang mga miyembro nito: “Isaalang-alang yaong mga gumagawa nang masikap sa gitna ninyo at namumuno sa inyo sa Panginoon at nagpapaalala sa inyo; at magbigay sa kanila ng higit kaysa pambihirang konsiderasyon sa pag-ibig dahil sa kanilang gawain.” (1 Tesalonica 5:12, 13) “Gumagawa nang masikap”​—hindi ba inilalarawan nito ang taimtim na matatanda na walang-pag-iimbot na nagpapagal alang-alang sa atin? Isaalang-alang sumandali ang mabigat na pasan ng mahal na mga kapatid na ito.

  • Pagpapahalaga sa “Mga Kaloob na mga Tao”
    Ang Bantayan—1999 | Hunyo 1
    • 16. Ilarawan ang mga paraan na doo’y maipapakita natin ang konsiderasyon sa matatanda.

      16 Paano tayo makapagpapakita ng konsiderasyon sa kanila? Sabi ng isang kawikaan sa Bibliya: “Ang salita sa tamang panahon, O anong buti!” (Kawikaan 15:23; 25:11) Kaya maipapakita ng pagsasabi ng taimtim na pasasalamat at pampatibay-loob sa kanila na hindi natin ipinagwawalang-bahala ang kanilang masikap na paggawa. Gayundin, dapat tayong maging makatuwiran sa inaasahan natin sa kanila. Sa kabilang panig, huwag tayong mag-atubiling lumapit sa kanila para humingi ng tulong. Maaaring may mga panahon na ‘ang atin mismong puso ay dumaranas ng matinding kirot’ at kailangan natin ng maka-Kasulatang pampatibay-loob, patnubay, o payo mula sa mga “kuwalipikado na magturo” ng Salita ng Diyos. (Awit 55:4; 1 Timoteo 3:2) Kasabay nito, kailangan nating tandaan na limitado lamang ang panahong maibibigay sa atin ng isang matanda, sapagkat hindi niya maaaring pabayaan ang mga pangangailangan ng kaniyang sariling pamilya o ng iba pa sa kongregasyon. Palibhasa’y may “damdaming pakikipagkapuwa” sa masisipag na kapatid na ito, hindi natin nanaising humiling ng labis-labis sa makakayanan nila. (1 Pedro 3:8) Sa halip, pahalagahan natin ang anumang panahon at atensiyon na makatuwirang maibibigay nila sa atin.​—Filipos 4:5.

      17, 18. Anong pagsasakripisyo ang ginagawa ng maraming asawang babae na matatanda ang kabiyak, at paano natin maipapakita na hindi natin kinaliligtaan ang tapat na mga kapatid na ito?

      17 Kumusta naman ang mga kabiyak ng matatanda? Hindi ba nararapat din namang bigyan natin sila ng konsiderasyon? Tutal, ibinabahagi nila sa kongregasyon ang kanilang asawa. Lagi itong nangangahulugan ng pagsasakripisyo sa kanilang bahagi. Paminsan-minsan, kailangang gumugol ang matatanda ng mga oras sa gabi para sa mga bagay na pangkongregasyon na maaari sanang gugulin nila para sa kanilang pamilya. Sa maraming kongregasyon, kusang nagsasakripisyo ang tapat na mga Kristiyanong kababaihan upang mapangalagaan ng kanilang asawa ang mga tupa ni Jehova.​—Ihambing ang 2 Corinto 12:15.

      18 Paano natin maipapakita na hindi natin kinaliligtaan ang tapat na Kristiyanong mga kapatid na ito? Tiyak na sa pamamagitan ng pagiging hindi labis na mapaghanap sa kanilang asawa. Ngunit huwag din nating kalimutan ang bisa ng mga simpleng salita ng pasasalamat. Ganito ang sabi ng Kawikaan 16:24: “Ang kaiga-igayang mga pananalita ay bahay-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.” Tingnan ang isang karanasan. Pagkatapos ng isang pagpupulong Kristiyano, isang mag-asawa ang lumapit sa isang matanda at hiniling na makausap siya tungkol sa kanilang tin-edyer na anak na lalaki. Samantalang nakikipag-usap ang matanda sa mag-asawa, ang kaniyang kabiyak ay matiyagang naghihintay. Pagkaraan, nilapitan ng ina ang asawa ng matanda at sinabi: “Gusto kitang pasalamatan sa panahon na ginamit ng iyong asawa para tulungan ang aking pamilya.” Talagang nakaantig sa asawa ng matanda ang gayong simple at kasiya-siyang pagpapasalamat.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share