-
Pag-aralan at Ituro ang Kristiyanong MoralidadAng Bantayan—2002 | Hunyo 15
-
-
13. (a) Paano tayo tinutulungan ng Bibliya hinggil sa moralidad? (b) Ibigay ang diwa ng payo na nasa 1 Tesalonica 4:3-7.
13 May epekto rin ang moralidad sa ibang mga tao. Makikita mo iyan sa mga halimbawa sa Salita ng Diyos na naglalarawan sa kahalagahan ng pagkakapit sa moral na mga pamantayan ng Diyos at sa mga resulta ng pagwawalang-bahala sa mga ito. (Genesis 39:1-9, 21; Josue 7:1-25) Makasusumpong ka rin ng maliwanag na payo hinggil sa moralidad na gaya nito: “Ito ang kalooban ng Diyos, ang pagpapabanal sa inyo, na umiwas kayo sa pakikiapid; na ang bawat isa sa inyo ay dapat makaalam kung paano susupilin ang kaniyang sariling sisidlan sa pagpapabanal at karangalan, hindi sa mapag-imbot na pita sa sekso na gaya rin niyaong sa mga bansa na hindi nakakakilala sa Diyos; upang walang sinumang umabot sa punto ng pamiminsala at manghimasok sa mga karapatan ng kaniyang kapatid sa bagay na ito, . . . sapagkat tinawag tayo ng Diyos, hindi sa pagbibigay-daan sa karumihan, kundi may kaugnayan sa pagpapabanal.”—1 Tesalonica 4:3-7.
14. Ano ang maaari mong itanong sa iyong sarili tungkol sa payo na nasa 1 Tesalonica 4:3-7?
14 Makikita ng halos sinuman mula sa talatang ito na labag sa Kristiyanong moralidad ang seksuwal na imoralidad. Gayunman, higit pa sa litaw na punto ang iyong mauunawaan. Ang ilang teksto ay naglalaan ng mga paraan para sa malawak na pag-aaral at pagbubulay-bulay, na nagbubunga ng kaunawaan. Halimbawa, maaari mong pag-isipan ang ibig sabihin ni Pablo sa pagsasabi na ang pakikiapid ay maaaring umakay sa isa “sa punto ng pamiminsala at manghimasok sa mga karapatan ng kaniyang kapatid sa bagay na ito.” Anong mga karapatan ang kabilang dito, at paanong ang higit na pagkaunawa rito ay magbibigay sa iyo ng karagdagang dahilan upang manghawakan sa Kristiyanong moralidad? Paano ka higit na masasangkapan ng mga resulta ng gayong pagsasaliksik upang maturuan ang iba at matulungan silang parangalan ang Diyos?
-
-
Pag-aralan at Ituro ang Kristiyanong MoralidadAng Bantayan—2002 | Hunyo 15
-
-
16, 17. (a) Saan ka makasusumpong ng mga paliwanag tungkol sa mga karapatan na binanggit sa 1 Tesalonica 4:6? (b) Sa anu-anong paraan nanghihimasok ang pakikiapid sa mga karapatan ng iba?
16 Kunin nating halimbawa ang binanggit sa itaas, ang 1 Tesalonica 4:3-7. Bumangon ang tanong tungkol sa mga karapatan. Kaninong mga karapatan? At paano maaaring mapanghimasukan ang mga karapatang iyon? Sa pamamagitan ng nabanggit na mga kasangkapan sa pag-aaral, marahil ay makasusumpong ka ng ilang paliwanag hinggil sa mga talatang ito, maging sa mga karapatang binanggit ni Pablo. Maaari mong basahin ang gayong mga komento sa Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 863-4; Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan?, pahina 145; Ang Bantayan, Nobyembre 15, 1989, pahina 31.
17 Sa patuloy na pag-aaral, makikita mo sa mga publikasyong iyon kung gaano katotoo ang mga salita ni Pablo. Ang isang mapakiapid ay nagkakasala sa Diyos at inilalantad ang kaniyang sarili sa mga sakit. (1 Corinto 6:18, 19; Hebreo 13:4) Ang isang lalaki na nakikiapid ay nanghihimasok sa iba’t ibang karapatan ng babaing kaulayaw niya sa pagkakasala. Inaalis niya sa babae ang malinis na katayuan sa moral at ang malinis na budhi. Kung ang babae ay dalaga pa, pinanghihimasukan niya ang karapatan nito na magpakasal bilang isang birhen at ang karapatan ng magiging asawa nito na asahang birhen pa siya. Sinasaktan niya ang mga magulang ng babae at ang asawa nito kung ang babae ay may asawa na. Inaalis ng imoral na lalaki sa kaniyang sariling pamilya ang karapatang magtaglay ng isang malinis na rekord sa moral. Kung ang lalaki ay isang miyembro ng kongregasyong Kristiyano, nagdudulot siya ng upasala rito, anupat sinisira ang reputasyon nito.—1 Corinto 5:1.
18. Paano ka nakikinabang mula sa pag-aaral ng Bibliya hinggil sa Kristiyanong moralidad?
18 Hindi ba’t ang gayong mga komento hinggil sa mga karapatan ay tumutulong upang mabuksan ang mas malalim na kahulugan ng talatang iyon? Ang gayong uri ng pag-aaral ay talagang napakahalaga. Habang ipinagpapatuloy mo ito, tinuturuan mo ang iyong sarili. Ang unawa mo sa pagiging totoo at pagkamabisa ng mensahe ng Diyos ay lumalago. Pinatitibay mo ang iyong determinasyon na manghawakan sa Kristiyanong moralidad anumang tukso ang bumangon. At isip-isipin na lamang kung gaano ka magiging higit na mabisa bilang isang guro! Halimbawa, samantalang itinuturo sa iba ang katotohanan sa Bibliya, maibabahagi mo ang kaunawaan sa 1 Tesalonica 4:3-7, anupat pinasusulong ang kanilang unawa at pagpapahalaga sa Kristiyanong moralidad. Sa gayon, ang iyong pag-aaral ay makatutulong sa iyo at sa marami pang iba na parangalan ang Diyos. At binanggit natin dito ang isa lamang halimbawa, mula sa liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica. Marami pang ibang aspekto ang Kristiyanong moralidad, at marami rin namang iba pang mga halimbawa at mga punto sa payo ng Bibliya ang maaari mong pag-aralan, ikapit, at ituro.
-