Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ipinakikilala “ang Taong Tampalasan”
    Ang Bantayan—1990 | Pebrero 1
    • 6. Ano pang impormasyon ang ibinibigay ni Pablo tungkol sa taong tampalasan?

      6 Inilalarawan pa ni Pablo ang tampalasang ito, sa pagsasabi: “Siya’y sumasalansang at nagmamataas laban sa lahat ng tinatawag na ‘diyos’ o isang sinasamba, anupa’t siya’y nauupo sa templo ng Ang Diyos, na nagtatanyag ng kaniyang sarili na isang diyos.” (2 Tesalonica 2:4) Kaya’t si Pablo ay nagbababala na si Satanas ay babangon na isang tampalasan, isang palsipikadong bagay na magtataas pa sa kaniyang sarili sa ibabaw ng kautusan ng Diyos.

  • Ipinakikilala “ang Taong Tampalasan”
    Ang Bantayan—1990 | Pebrero 1
    • Pagtataas sa Kanilang Sarili

      10. Ano ang naging kaugnayan ng tampalasan sa mga pinunong pulitikal?

      10 Ipinakikita ng kasaysayan na yaong mga nasa uring taong tampalasang ito ay nagpakita ng pagmamataas at pagkaarogante na anupa’t sila’y naging aktuwal na mga diktador sa mga pinuno ng sanlibutan. Ginawang dahilan ng klero ang doktrina ng ‘banal na karapatan ng mga hari,’ upang kanilang masabi na sila ang mahalagang tagapamagitan na namamagitan sa mga pinuno at sa Diyos. Kanilang inilagay sa kapangyarihan at inalis sa kapangyarihan ang mga hari at mga emperador at ang masa ay kanilang napukaw upang kumampi o lumaban sa mga pinuno. Sa katunayan, gaya ng mga punong saserdoteng Judio na nagtakuwil kay Jesus, kanilang sinabi: “Wala kaming hari kundi si Caesar.” (Juan 19:15) Subalit, malinaw na itinuro ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.”​—Juan 18:36.

      11. Papaano itinaas ng klero ang kanilang sarili?

      11 Upang itaas ang kanilang sarili nang mataas pa kaysa mga karaniwang tao, ang uring tampalasang ito ay nagbihis ng iba’t ibang kasuotan, karaniwan na ay itim. Gayundin, kanilang ginayakan ang kanilang sarili ng lahat ng uri ng hahangaang mga kagayakan, tulad halimbawa ng mga korona, krus, at mitra. (Ihambing ang Mateo 23:5, 6.) Subalit si Jesus at ang kaniyang mga tagasunod ay hindi nagsuot ng ganiyang kasuotan; sila’y nanamit na gaya ng mga karaniwang tao. Ang klero ay nagkapit din sa kanilang sarili ng mga titulong gaya ng “Padre,” “Banal na Ama,” “Reverendo,” “Most Reverend,” “Kaniyang Kamahalan,” at “Kaniyang Kadakilaan,” na karagdagan pa sa kanilang ‘pagtataas ng kanilang sarili nang higit sa kanino pa man.’ Gayunman, ganito ang turo ni Jesus tungkol sa mga titulong relihiyoso: “Huwag ninyong tatawaging inyong ama ang sinuman sa lupa.” (Mateo 23:9) Si Elihu rin naman, sa pagsagot sa mga nagpapanggap na mang-aaliw ni Job, ay nagsabi: “Huwag itulot sa akin, isinasamo ko sa inyo, na ako’y magpakita ng pagtatangi sa isang tao; at sa isang makalupang tao ay hindi ako gagamit ng isang titulo.”​—Job 32:21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share