Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tagapangasiwa na Nagpapastol sa Kawan
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 5 Sa unang liham kay Timoteo at sa liham kay Tito, binanggit ni apostol Pablo ang pangunahing mga kahilingan para sa mga tagapangasiwa. Mababasa sa 1 Timoteo 3:1-7: “Kung nagsisikap ang isang lalaki na maging tagapangasiwa, magandang tunguhin iyan. Kaya dapat na ang tagapangasiwa ay di-mapupulaan, asawa ng isang babae, may kontrol sa kaniyang paggawi, may matinong pag-iisip, maayos, mapagpatuloy, kuwalipikadong magturo, hindi lasenggo, at hindi marahas, kundi makatuwiran, hindi palaaway, hindi maibigin sa pera, isang lalaking namumuno sa sarili niyang pamilya sa mahusay na paraan, na may mga anak na masunurin at mabuti ang asal (dahil kung hindi kayang mamuno ng isang lalaki sa sarili niyang pamilya, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?), at hindi bagong kumberte, dahil baka magmalaki siya at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo. Dapat na maganda rin ang reputasyon niya sa mga di-kapananampalataya para hindi siya magdala ng kahihiyan at mahulog sa bitag ng Diyablo.”

  • Mga Tagapangasiwa na Nagpapastol sa Kawan
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 7 Sa simula, parang napakahirap abutin ang mga kahilingan para sa mga tagapangasiwa. Pero hindi ito dapat makahadlang sa mga brother sa pag-abot sa pribilehiyong ito. Kapag ipinapakita nila ang magagandang katangiang Kristiyano na hinihiling sa mga tagapangasiwa, napasisigla nila ang iba sa kongregasyon na tularan sila. Isinulat ni Pablo na ang mga taong ito ay “regalo” mula kay Jehova “para ituwid ang mga banal, para maglingkod, at para patibayin ang katawan ng Kristo, hanggang sa magkaisa tayong lahat sa pananampalataya at magkaroon ng tumpak na kaalaman sa Anak ng Diyos at maging adulto, hanggang sa maging maygulang tayo gaya ng Kristo.”​—Efe. 4:8, 12, 13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share