Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1989 | Hulyo 1
    • Ngunit, ano nga ba ang mga kuwalipikasyon na makikita sa Bibliya? Ang tanging ibinibigay ay yaong mga binanggit sa 1 Timoteo 3:8-10, 12, 13: “Gayundin naman na ang mga ministeryal na lingkod ay dapat na seryoso, hindi dalawang-dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi sakim sa mahalay na pakinabang, na iniingatan ang banal na lihim ng pananampalataya taglay ang malinis na budhi. At, ang mga ito’y subukin muna kung karapatdapat, saka sila hayaang maglingkod bilang mga ministro, kung walang kapintasan. Ang mga ministeryal na lingkod ay mag-asawa ng tig-iisa lamang babae, namamahalang mainam sa mga anak at sa kanilang sariling sambahayan. Sapagkat ang mga lalaking naglilingkod na mainam ay nagtatamo sa kanilang sarili ng mainam na katayuan at malaking kalayaan ng pagsasalita sa pananampalataya tungkol kay Kristo Jesus.”

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1989 | Hulyo 1
    • Isa pa, ang mga lalaking rekomendado bilang mga ministeryal na lingkod ay dapat na “subukin [muna] kung karapatdapat,” upang mapatunayan na karapatdapat bigyan ng pananagutan. Hindi naman ibig sabihin na sila’y maglilingkod sa loob ng isang takdang panahon ng pagsubok. Bagkus, ang kailangan ay magpakita sila ng pagkamaygulang Kristiyano sa loob ng isang rasonableng yugto ng panahon (nabautismuhan ng di-kukulangin isang taon), at mga lalaking handang mag-asikaso at nakapag-aasikaso ng mga bagay na iniatas sa kanila. Kung ang isang binatang “seryoso” ay makapagpapakita ng mga katangiang ito, at siya’y makapagpakumbaba at nakatutugon sa mga iba pang kuwalipikasyon, siya’y maaaring mairekomenda ng mga matatanda upang mahirang sa tungkulin kahit na wala pa siyang 20 anyos. Ang ibang mga lalaki ay baka mas may edad bago sila’y malinaw na makitaan na kanilang naaabot ang mga kahilingan para sa ‘mga naglilingkod na mainam, at nagtatamo para sa kanilang sarili ng mainam na katayuan at malaking kalayaan ng pagsasalita.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share