-
Aalalayan Ka ni JehovaAng Bantayan—2015 | Disyembre 15
-
-
13. Paano tayo magiging timbang hinggil sa mga rekomendasyon sa kalusugan?
13 Sa ngayon, walang sinuman sa atin ang may “mga kaloob na pagpapagaling.” Pero may ilang nagmamalasakit na kapatid na nagbibigay ng rekomendasyon sa kalusugan—kahit hindi naman ito hinihingi. Totoo, praktikal naman ang ipinapayo ng ilan, kagaya ng payo ni Pablo kay Timoteo tungkol sa problema nito sa sikmura, na malamang ay dahil sa maruming tubig.a (Basahin ang 1 Timoteo 5:23.) Pero ibang usapan naman kung hihikayatin ng isa ang kaniyang kapananampalataya na gumamit ng ilang panlunas, herbal na gamot, o diyeta na maaaring hindi epektibo o puwede pa ngang makasamâ sa kalusugan. Minsan, para makapanghikayat, sinasabi ng ilan: ‘Ganiyan din ang sakit ng kamag-anak ko, ’tapos uminom siya ng . . . Magaling na siya ngayon.’ Kahit maganda ang motibo ng nagpapayo, makabubuting tandaan na posibleng may masasamang epekto ito kahit pa marami ang gumagamit ng gayong medikasyon at paraan ng panggagamot.—Basahin ang Kawikaan 27:12.
-
-
Aalalayan Ka ni JehovaAng Bantayan—2015 | Disyembre 15
-
-
a Sinasabi ng aklat na The Origins and Ancient History of Wine: “Ipinakita ng mga eksperimento na ang mga buháy na typhoid at iba pang mapanganib na mga mikroorganismo ay mabilis na namamatay kapag inihalo sa alak.”
-