Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tagumpay—Anuman ang Halaga?
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • Palibhasa’y laganap ang karalitaan, maraming tao ang walang ibang hinahanap kundi ang tagumpay na may kinalaman sa salapi at hindi na nila alintana ang anumang iba pang bagay. Ang ilan ay daya ang ginagamit upang makamit ito. Pagka sila’y naging tunay na mga Kristiyano, gayumpaman, dapat nga na pamalagian nang naiwaksi nila ang ganitong saloobin upang sila’y makaayon sa matuwid na mga pamantayan ng Bibliya.

      Gayunman, may ilang mga Kristiyano pa rin na muling nagbabalik at nasisilo sa makasanlibutang mga tunguhin. Baka sila ay nahuhulog sa mga pamumuhay na labag sa pagka-Kristiyano upang magtamo lamang ng tagumpay. Pinababayaan ng mga magulang ang kani-kanilang pamilya. Pinababayaan ng mga indibiduwal ang kanilang paglilingkod sa Diyos. Ano sa palagay mo ang magiging resulta kung tungkol sa kasiyahan sa buhay at kaligayahan?

      Upang bigyang-babala tayo sa magiging resulta, ang Bibliya ay nagbabala: “Silang mga disididong yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming pitang walang kabuluhan at nakasasama . . . Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uring kasamaan, at sa pagsusumakit sa pag-ibig na ito ang iba ay naihiwalay sa pananampalataya at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming pasakit.”​—1 Timoteo 6:9, 10.

  • Tagumpay—Anuman ang Halaga?
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • Ang pag-ibig sa kayamanan ay mistulang isang panginoon na mapaghanap. Ninanakaw nito ang panahon, lakas, at mga abilidad ng mga tao; at pinapawi nito ang maka-Diyos na debosyon. Kadalasa’y inaakit nito ang mga tao na maghangad ng lalong malaking kayamanan at katanyagan sa daigdig, anupa’t sila’y lalong inilalayo nito sa pananampalataya. May katuwirang magsabi ang Bibliya: “Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, ni siya mang umiibig sa kayamanan ay masisiyahan sa pakinabang.”​—Eclesiastes 5:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share