-
Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
-
-
Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?
Ang sagot ng Bibliya
Hindi. Walang sinasabi ang Bibliya na masama ang pera, o tinukoy man itong ugat ng lahat ng masasamang bagay. Nakakalito at hindi kumpleto ang pagsipi sa Bibliya sa mga pananalitang “pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Ang aktuwal na sinasabi ng Bibliya ay “ang pag-ibig sa salapi [o, pera] ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.”a—1 Timoteo 6:10, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, amin ang italiko.
-