-
Ano ang Masama sa Pagkita ng Salapi?Gumising!—1997 | Setyembre 22
-
-
Tinatalakay ng Bibliya ang mga tanong na ito mismo. Sumulat si apostol Pablo: “Yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming walang-kabuluhan at nakasasakit na mga pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkasira. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay, at sa pag-abot sa pag-ibig na ito ang ilan ay nailigaw mula sa pananampalataya at napagsasaksak ang kanilang mga sarili ng maraming kirot.”—1 Timoteo 6:9, 10.
-
-
Ano ang Masama sa Pagkita ng Salapi?Gumising!—1997 | Setyembre 22
-
-
Kung gayon, angkop lamang ang pagkakasabi ni Pablo na ang lubus-lubusang “pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay.” Bunga nito, marami ang “nailigaw mula sa pananampalataya at napagsasaksak ang kanilang mga sarili ng maraming kirot.” Kuning halimbawa ang isang kabataan na tatawagin nating Rory. Sa edad na 12 ay nagsusugal na siya. “Ito ang paraan para magkapera nang walang ginagawa,” sabi niya. Di-nagtagal, daan-daang dolyar ang naging utang niya at napabayaan niya ang mga kaibigan, pamilya, at pag-aaral. “Sinubukan kong tigilan na,” inamin niya, ngunit paulit-ulit siyang nabigo. Patuloy niyang ‘sinasaksak ang kaniyang sarili ng maraming kirot’ hanggang sa humingi na siya ng tulong sa edad na 19. Kung gayon ay hindi nagpapalabis ang manunulat na si Douglas Kennedy nang, sa kaniyang aklat na Chasing Mammon, tinawag niya ang paghahangad sa salapi na “isang napakasakit na karanasan.”
-