Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • 3. Kanino kumakapit ang talaan ng masasamang ugaling makikita sa 2 Timoteo 3:2-5?

      3 “Sa mga huling araw,” ang isinulat ni Pablo, “ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” Pagkatapos, nagtala siya ng 19 na masasamang ugali na makikita sa mga tao sa panahong ito. Ang talaang ito ay katulad ng talaang makikita sa Roma 1:29-31, bagaman ang talaan sa liham ni Pablo kay Timoteo ay gumagamit ng mga terminong wala sa ibang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sinimulan ni Pablo ang kaniyang talaan sa mga salitang “ang mga tao ay magiging . . . ” Pero hindi lahat ng tao ay magpapakita ng ganitong pag-uugali. Ibang-iba ang mga katangiang ipinakikita ng mga Kristiyano.—Basahin ang Malakias 3:18.

  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • 4. Paano mo ilalarawan ang mga mapagmalaki?

      4 Matapos sabihing marami ang magiging maibigin sa kanilang sarili at sa salapi, sinabi rin ni Pablo na ang mga tao ay magiging mapagmapuri sa sarili, palalo, at mapagmalaki. Kadalasan, ipinahihiwatig ng mga katangiang ito na nadarama ng isa na nakahihigit siya sa iba dahil sa kaniyang mga abilidad, hitsura, yaman, o katayuan sa buhay. Gustong-gusto ng mga taong ito na sila ay hangaan at mahalin. Ganito ang isinulat ng isang iskolar tungkol sa taong nilamon na ng pride: “Sa kaniyang puso, mayroon siyang maliit na altar kung saan yumuyukod siya sa kaniyang sarili.” May mga nagsasabi pa nga na talagang kasuklam-suklam ang sobrang pride kung kaya kinaiinisan ito kahit ng mayayabang kapag nakikita nila ito sa iba.

  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • 8. (a) Ano ang tingin ng ilan sa pagkamasuwayin sa mga magulang? (b) Ano ang iniuutos ng Bibliya na gawin ng mga bata?

      8 Inilarawan ni Pablo kung paano makikitungo sa isa’t isa ang mga tao sa mga huling araw. Isinulat niya na ang mga anak ay magiging masuwayin sa mga magulang. Sa ngayon, maraming aklat, pelikula, at mga programa sa telebisyon ang nagpapakitang normal lang at katanggap-tanggap para sa mga bata na maging masuwayin sa mga magulang. Pero ang totoo, pinahihina nito ang pamilya—ang pangunahing yunit ng lipunan. Matagal nang alam ng mga tao ang katotohanang ito. Halimbawa, sa sinaunang Gresya, kapag sinaktan ng isa ang kaniyang mga magulang, mawawalan siya ng mga karapatang sibil; sa batas ng Roma, ang pananakit sa ama ay kasimbigat ng pagpaslang. Ang Hebreong Kasulatan at ang Kristiyanong Griegong Kasulatan ay parehong nag-uutos sa mga anak na parangalan ang kanilang mga magulang.—Ex. 20:12; Efe. 6:1-3.

  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • 10, 11. (a) Anong masasamang ugali ang nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa? (b) Kanino dapat magpakita ng pag-ibig ang mga tunay na Kristiyano?

      10 Itinala rin ni Pablo ang iba pang masasamang ugali na nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa. Kaya naman, kasunod ng “masuwayin sa mga magulang,” binanggit niya ang walang utang-na-loob, dahil ganito ang saloobin ng mga taong walang pagpapahalaga sa kabaitang ipinakikita sa kanila. Gayundin, ang mga tao ay magiging di-matapat. Sila ay hindi bukás sa anumang kasunduan, dahil ayaw nilang makipagpayapaan sa iba. Sila ay magiging mga mamumusong at mga mapagkanulo, na nagsasalita ng masasamang bagay tungkol sa ibang tao at pati na sa Diyos. Magkakaroon din ng mga maninirang-puri, na nagkakalat ng mga bagay na makasisira sa magandang reputasyon ng iba.a

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share