Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • 9. Ano ang makatutulong para maging masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang?

      9 Para huwag mahawa ang mga anak sa pagkamasuwayin ng mga tao sa palibot nila, dapat nilang pag-isipan ang mabubuting bagay na ginawa ng kanilang mga magulang para sa kanila. Lalo silang magiging mapagpahalaga kung tatandaan nila na kahilingan ng Diyos, ang Ama nating lahat, na maging masunurin sila sa kanilang mga magulang. Kung magsasalita sila ng magagandang bagay tungkol sa kanilang mga magulang, matutulungan nila ang ibang kabataan na igalang din ang sarili nilang mga magulang. Siyempre pa, kung ang mga magulang ay walang likas na pagmamahal sa kanilang mga anak, mahihirapan ang mga anak na maging masunurin mula sa puso. Pero kapag nararamdaman ng bata na talagang mahal siya ng kaniyang mga magulang, mapakikilos siyang sumunod kahit nahihirapan siya. “Madalas, gusto kong makalusot,” ang sabi ni Austin, “pero gumagawa ang mga magulang ko ng makatuwirang mga patakaran, ipinapaliwanag ang dahilan kung bakit, at madalas silang nakikipag-usap sa akin. Nakatulong ito para maging masunurin ako. Kitang-kita ko na mahal nila ako, kaya naman gusto ko silang mapasaya.”

      10, 11. (a) Anong masasamang ugali ang nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa? (b) Kanino dapat magpakita ng pag-ibig ang mga tunay na Kristiyano?

      10 Itinala rin ni Pablo ang iba pang masasamang ugali na nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa. Kaya naman, kasunod ng “masuwayin sa mga magulang,” binanggit niya ang walang utang-na-loob, dahil ganito ang saloobin ng mga taong walang pagpapahalaga sa kabaitang ipinakikita sa kanila. Gayundin, ang mga tao ay magiging di-matapat. Sila ay hindi bukás sa anumang kasunduan, dahil ayaw nilang makipagpayapaan sa iba. Sila ay magiging mga mamumusong at mga mapagkanulo, na nagsasalita ng masasamang bagay tungkol sa ibang tao at pati na sa Diyos. Magkakaroon din ng mga maninirang-puri, na nagkakalat ng mga bagay na makasisira sa magandang reputasyon ng iba.a

  • Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Enero
    • a Ang salitang Griego para sa “maninirang-puri” o “tagapag-akusa” ay di·aʹbo·los, isang terminong ginagamit sa Bibliya bilang titulo ni Satanas, ang ubod-samang naninirang-puri sa Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share