Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paanong Magiging Isang Matagumpay na Magulang
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 1
    • Ang ina ni Timoteo at marahil ang kaniyang lola, si Loida, ay gumawa ng tiyak na kaayusan na hindi ang kanilang personal na ideya ang itinuro sa kaniya mula sa pagkasanggol; bagkus, batid nila na ang mga turo ni Jehova ang magpapadunong sa kaniya ukol sa kaligtasan. Ang liham na isinulat kay Timoteo ng apostol na Kristiyanong si Pablo ay nagsasabi: “Subalit, ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na iyong natutuhan at naakay ka na paniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino mo natutuhan ang mga iyon at mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan, na nakapagpapadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya na may kaugnayan kay Kristo Jesus.”​—2 Timoteo 3:14, 15.

  • Kung Paanong Magiging Isang Matagumpay na Magulang
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 1
    • Walang alinlangan, pinag-isipan din ni Timoteo kung anong uri ng mga tao ang kaniyang ina at ang kaniyang lola​—tunay na mga taong espirituwal. Siya’y hindi nila dadayain o pipilipitin man nila ang katotohanan dahil sa mapag-imbot na pakinabang; sila’y hindi rin naman mga mapagpaimbabaw. Kung gayon, si Timoteo ay walang duda tungkol sa mga bagay na kaniyang natutuhan. At walang alinlangan na ang kaniyang buhay bilang isang taong maygulang na at isang masigasig na Kristiyano ay nakagalak sa puso ng kaniyang tapat na ina.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share