Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos​—‘Kapaki-pakinabang sa Paglilingkod’
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • Sa ikalawang pagkabilanggo ni Pablo sa Roma noong mga 65 C.E., sinulatan niya si Timoteo sa Efeso para papuntahin sa Roma. Sa sulat na ito, idinagdag niya: “Kunin mo si Marcos at isama mo siya.” (2 Tim. 4:11) Kaya nasa Efeso noon si Marcos. At siguradong sumama siya kay Timoteo papuntang Roma gaya ng bilin ni Pablo. Mahirap maglakbay noon, pero ginawa ito ni Marcos nang bukal sa loob.

  • Marcos​—‘Kapaki-pakinabang sa Paglilingkod’
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • “Kapaki-pakinabang Siya sa Akin sa Paglilingkod”

      Hindi lang pagsulat ng Ebanghelyo ang pinagkaabalahan ni Marcos sa Roma. Tandaan ang bilin ni Pablo kay Timoteo: “Kunin mo si Marcos at isama mo siya.” Ang dahilan ni Pablo? “Sapagkat kapaki-pakinabang siya sa akin sa paglilingkod.”​—2 Tim. 4:11.

      Marami tayong matututuhan tungkol kay Marcos sa tekstong ito, kung saan huling binanggit ang kaniyang pangalan sa Kasulatan ayon sa kronolohiya ng pagsulat. May kinalaman sa mga gawain niya sa kongregasyon, wala tayong mababasa na si Marcos ay naging apostol, lider, o propeta. Siya ay isang lingkod, samakatuwid nga, isang tagapagsilbi. At sa pagkakataong iyon, nang malapit nang patayin si Pablo, tiyak na malaki ang naitulong ni Marcos sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share