Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Asia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga salita ni Pablo sa 2 Timoteo 1:15, maliwanag na isinulat mula sa Roma noong mga taóng 65 C.E., ay maaaring nagpapahiwatig na dahil sa matinding pag-uusig na pinasisimulan noon ng mga Romanong awtoridad laban sa mga Kristiyano, ang marami sa Kristiyanong ‘mga tao ng Asia’ ay huminto sa pakikisama sa nakabilanggong apostol na si Pablo, anupat tinalikuran siya sa isang kritikal na panahon. Ang pananalitang “lahat ng mga tao sa distrito ng Asia” ay hindi nangangahulugang tumalikod ang lahat ng mga Kristiyano sa Asia, dahil pagkatapos nito ay kaagad na pinapurihan ni Pablo si Onesiforo, na maliwanag na nakatira sa Efeso.​—2Ti 1:16-18; 4:19.

      Patuloy na nanghawakan sa pananampalataya ang maraming Kristiyano sa Asia, at makikita ito sa Apocalipsis at sa pitong mensahe na ipinadala ni Juan sa pitong kongregasyon sa prominenteng mga lunsod ng Asia: ang Efeso, Smirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea, anupat karamihan sa mga kongregasyong ito ay pinapurihan dahil sa pagbabata nila ng kapighatian. (Apo 1:4, 11; 2:2, 3, 9, 10, 13, 19; 3:10) Si Juan noon (mga 96 C.E.) ay nasa pulo ng Patmos, di-kalayuan sa baybayin ng probinsiya ng Asia. Naniniwala ang karamihan na ang Ebanghelyo ni Juan at ang tatlong liham niya ay isinulat sa Efeso o malapit doon, matapos siyang palayain mula sa Patmos.

  • Asia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share