Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tagapangasiwa na Nagpapastol sa Kawan
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 11 Ang mga kuwalipikadong maging tagapangasiwa ay may kontrol sa kanilang paggawi at pakikitungo sa iba. Hindi sila panatiko. Sa halip, sila ay timbang at may pagpipigil sa sarili. Katamtaman sila sa pagkain, pag-inom, paglilibang, at iba pang bagay. Katamtaman din sila sa pag-inom ng alak para hindi sila maparatangan ng paglalasing o pagiging lasenggo. Kapag naging manhid ang mga pandama ng isa dahil sa alak, madali siyang mawalan ng pagpipigil sa sarili at hindi niya mababantayan ang espirituwal na kapakanan ng kongregasyon.

  • Mga Tagapangasiwa na Nagpapastol sa Kawan
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 14 Bukod diyan, may matinong pag-iisip ang isa na kuwalipikadong maging tagapangasiwa sa kongregasyon. Ibig sabihin, kaya niyang manatiling kalmado at makatuwiran kahit nakaka-stress ang sitwasyon, at hindi siya padalos-dalos sa pagpapasiya. Naiintindihan niyang mabuti ang mga prinsipyo ni Jehova at alam niya kung paano susundin ang mga ito. Handa siyang tumanggap ng payo at patnubay. Hindi siya mapagkunwari.

  • Mga Tagapangasiwa na Nagpapastol sa Kawan
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 15 Ipinaalaala ni Pablo kay Tito na ang isang tagapangasiwa ay laging gumagawa ng mabuti. Dapat na matuwid siya at tapat. Makikita ang mga katangiang ito sa pakikitungo niya sa iba at sa kaniyang matatag na paninindigan sa kung ano ang tama at mabuti. Hindi natitinag ang debosyon niya kay Jehova at ang pagtataguyod niya ng matuwid na mga prinsipyo. Mapagkakatiwalaan siya sa kompidensiyal na mga bagay. Siya rin ay talagang mapagpatuloy; handa siyang magsakripisyo at maging bukas-palad para sa kapakanan ng iba.​—Gawa 20:33-35.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share