Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May Kakayahan Ka ba sa Paglilingkod?
    Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
    • 16. (a) Ano ang kailangan upang maging makatuwiran sa pag-uugali? (b) Papaanong makapananatiling may pagpipigil-sa-sarili ang isang matanda?

      16 Makatuwiran sa pag-uugali; may pagpipigil-sa-sarili. (1 Timoteo 3:2; Tito 1:8) Ang isang matanda ay dapat na mapagtimpi, hindi alipin ng masasamang kinaugalian. Pagka siya’y nakaharap sa mga pagsubok, siya’y tutulungan ng Diyos na manatiling timbang kung siya’y mananalangin na gaya ng salmista: “Ang mga kahirapan ng aking puso ay dumami; Oh hanguin mo ako sa aking mga kagipitan.” (Awit 25:17) Dapat ding ipanalangin ng isang tagapangasiwa na bigyan siya ng espiritu ng Diyos at maipakita ang mga bunga nito, kasali na ang pagpipigil-sa-sarili. (Lucas 11:13; Galacia 5:22, 23) Kung napipigil ng isang matanda ang kaniyang mga kaisipan, pananalita, at mga kilos, kaniyang maiiwasan ang mga pagmamalabis samantalang isinasagawa niya ang espirituwal na pag-akay sa kongregasyon.

  • May Kakayahan Ka ba sa Paglilingkod?
    Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
    • 19. Dahilan sa siya’y mapagpatuloy, ano ba ang ginagawa ng matanda?

      19 Mapagpatuloy. (1 Timoteo 3:2; Tito 1:8) Ang isang matanda ay ‘mapagpatuloy.’ (Roma 12:13; Hebreo 13:2) Ang salitang Griego para sa “mapagpatuloy” ay literal na nangangahulugang “magiliw sa mga estranghero.” Sa gayon, ang mga baguhan ay malugod na tinatanggap ng mapagpatuloy na matanda sa mga pulong-Kristiyano, nagpapakita ng ganoon ding interes sa mga maralita gaya ng sa mga nakaririwasa sa buhay. Siya’y mapagpatuloy sa mga naglalakbay sa kapakanan ng pagka-Kristiyano at pinayayaon sila sa kanilang paglalakbay “ayon sa paraan na karapat-dapat sa Diyos.” (3 Juan 5-8) Oo nga, ang isang matanda ay mapagpatuloy lalung-lalo na sa mga kapananampalataya alinsunod sa kanilang mga pangangailangan at ayon sa ipinahihintulot ng kaniyang kalagayan.​—Santiago 2:14-17.

  • May Kakayahan Ka ba sa Paglilingkod?
    Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
    • 23. (a) Papaano mo ipaliliwanag ang ibig sabihin ng “isang maibigin sa mabuti”? (b) Ano ang kahulugan ng pagiging matuwid?

      23 Isang maibigin sa mabuti; matuwid. (Tito 1:8) Upang maging kuwalipikado bilang isang matanda, ang isang lalaki ay kailangang umibig sa mabuti at maging matuwid. Ang isang maibigin sa kabutihan ay umiibig sa mabuti sa paningin ni Jehova, gumagawa ng mga gawaing may kabaitan at nakatutulong sa iba, at nagpapakita ng pagpapahalaga sa kabutihan ng iba. (Lucas 6:35; ihambing ang Gawa 9:36, 39; 1 Timoteo 5:9, 10.) Ang pagiging matuwid ay nangangahulugan ng pagsunod sa mga kautusan at mga pamantayan ng Diyos. Kabilang sa iba pang mga bagay, ang gayong tao ay walang itinatangi at matuwid, malinis, at may kapurihang mga bagay ang isinasaisip. (Lucas 1:6; Filipos 4:8, 9; Santiago 2:1-9) Yamang ang kabutihan ay may pagkakaiba sa pagkamatuwid sa bagay na nilalampasan pa nito ang hinihiling ng katarungan, ang isang maibigin sa mabuti ay higit pa ang ginagawa para sa iba kaysa hinihiling sa kaniya.​—Mateo 20:4, 13-15; Roma 5:7.

      24. Ano ang kahulugan ng pagiging matapat?

      24 Matapat. (Tito 1:8) Ang isang taong kuwalipikado na maging matanda ay nananatiling may walang-pagkasirang debosyon sa Diyos at may mahigpit na kapit sa banal na kautusan, gaano man katindi ang pagsubok sa kaniyang integridad. Kaniyang ginagawa ang inaasahan sa kaniya ni Jehova, at kasali na rito ang paglilingkod bilang isang tapat na tagapagbalita ng Kaharian.​—Mateo 24:14; Lucas 1:74, 75; Gawa 5:29; 1 Tesalonica 2:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share