-
Aklat ng Bibliya Bilang 57—Filemon“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
2. Sa anong kapaligiran at layunin isinulat ang liham kay Filemon?
2 Ang layunin ng liham ay malinaw na isinasaad: Nang siya’y unang mabilanggo sa Roma (59-61 C.E.), malayang naipangaral ni Pablo ang Kaharian ng Diyos. Isa sa mga nakinig ay si Onesimo, aliping tumakas mula kay Filemon, kaibigan ni Pablo. Si Onesimo ay naging Kristiyano at ipinasiya ni Pablo, sa pagsang-ayon din ni Onesimo, na pabalikin ito kay Filemon. Nang panahong ito ay isinulat din ni Pablo ang mga liham sa mga kongregasyon sa Efeso at Colosas. Sa dalawang liham, pinayuhan niya ang mga aliping Kristiyano at ang mga may-alipin tungkol sa tumpak na paggawi sa ganitong ugnayan. (Efe. 6:5-9; Col. 3:22–4:1) Bukod dito, bumuo si Pablo ng isang liham kay Filemon at dito’y personal siyang nagsumamo alang-alang kay Onesimo. Ito’y liham na isinulat ng sariling kamay ni Pablo—bagay na bihira niyang gawin. (Filem. 19) Ang ganitong personal na interest ay nakaragdag sa puwersa ng pagsusumamo.
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 57—Filemon“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
6. Anong pagtrato ang iminumungkahi ni Pablo para kay Onesimo, at sa anong mataktikang pangangatuwiran?
6 Gusto ni Pablo na manatili si Onesimo at maglingkod sa kaniya, ngunit dapat pumayag si Filemon. Kaya pinababalik niya ito, “hindi bilang alipin kundi higit pa sa alipin, bilang kapatid na minamahal.” Hiniling ni Pablo na si Onesimo ay tanggapin nang may-kabaitan, gaya ng pagtanggap mismo kay Pablo. Kung nagkasala man si Onesimo, si Pablo ang mananagot, pagkat gaya ng sinabi ni Pablo kay Filemon, “Ang iyo ring sarili ay utang mo sa akin.” (Tal. 16, 19) Umaasa si Pablo na lalaya na siya at na madadalaw niya si Filemon, at nagtapos siya sa pamamagitan ng mga pagbati.
-