Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2001 | Oktubre 1
    • Sumulat si apostol Pablo sa mga Kristiyanong Hebreo noong unang siglo: “May nananatili pang sabbath na pagpapahinga para sa bayan ng Diyos. Sapagkat ang tao na pumasok sa kapahingahan ng Diyos ay nagpahinga na rin naman mula sa kaniyang sariling mga gawa, gaya ng ginawa ng Diyos mula sa kaniyang mga gawa. Samakatuwid ay gawin natin ang ating buong makakaya na pumasok sa kapahingahang iyon.”​—Hebreo 4:9-11.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2001 | Oktubre 1
    • Sa pagbabalik sa sinabi ni Pablo sa mga Hebreo, mapapansin natin na binanggit niya na “may nananatili pang sabbath na pagpapahinga para sa bayan ng Diyos,” at hinimok niya ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano na gawin ang kanilang buong makakaya “na pumasok sa kapahingahang iyon.” Ipinakikita nito na noong isinulat ni Pablo ang mga pananalitang iyon, nagpapatuloy pa ang “ikapitong araw” ng kapahingahan ng Diyos, na nagsimula mga 4,000 taon bago nito. Hindi ito matatapos hangga’t ang layunin ng Diyos hinggil sa sangkatauhan at sa lupa ay hindi pa lubos na natutupad sa katapusan ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Jesu-Kristo, na siyang “Panginoon ng sabbath.”​—Mateo 12:8; Apocalipsis 20:1-6; 21:1-4.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2001 | Oktubre 1
    • Ang pagtalakay ni Pablo hinggil sa kapahingahan ng Diyos at kung paano makapapasok ang isa rito ay tiyak na naging isang pampatibay-loob sa mga Kristiyanong Hebreo sa Jerusalem, na nagbata ng maraming pag-uusig at panunuya dahil sa kanilang pananampalataya. (Gawa 8:1; 12:1-5) Sa katulad na paraan, ang mga pananalita ni Pablo ay maaaring maging isang pampatibay-loob sa mga Kristiyano sa ngayon. Yamang natatanto na napakalapit na ng katuparan ng pangako ng Diyos na magdulot ng isang paraisong lupa sa ilalim ng kaniyang matuwid na Kaharian, dapat din tayong magpahinga mula sa ating sariling mga gawa at gawin ang ating buong makakaya upang makapasok sa kapahingahang iyon.​—Mateo 6:10, 33; 2 Pedro 3:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share