Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Melquisedec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Lumarawan sa Pagkasaserdote ni Kristo. Sa isang mahalagang Mesiyanikong hula, sinabi ni Jehova sa “Panginoon” ni David bilang Kaniyang ipinanatang sumpa: “Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec!” (Aw 110:1, 4) Dahil sa kinasihang awit na ito, kinilala ng mga Hebreo na hahawakan ng ipinangakong Mesiyas ang katungkulan kapuwa ng saserdote at ng hari. Sa liham ng apostol na si Pablo sa mga Hebreo, tiniyak niya ang pagkakakilanlan ng isa na inihula, anupat tinukoy “si Jesus, na naging isang mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec magpakailanman.”​—Heb 6:20; 5:10; tingnan ang TIPAN.

  • Melquisedec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ayon sa isang pangmalas na lumilitaw sa mga Targum ng Jerusalem at na tinatanggap ng maraming Judio at ng iba pa, si Melquisedec at ang anak ni Noe na si Sem ay iisa. Si Sem ay buháy pa noon at buháy pa rin nang mamatay ang asawa ni Abraham na si Sara. Gayundin, espesipikong pinagpala ni Noe si Sem. (Gen 9:26, 27) Ngunit ang pag-uugnay na ito ay hindi matiyak. Hindi isiniwalat sa Kasulatan ang nasyonalidad, talaangkanan, at mga supling ni Melquisedec, at may mabuti namang dahilan. Sa ganitong paraan ay maaari siyang lumarawan kay Jesu-Kristo, na sa pamamagitan ng ipinanatang sumpa ni Jehova ay “naging isang mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec magpakailanman.”​—Heb 6:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share