-
Pahalagahan ang Natatanging Papel ni Jesus sa Layunin ng DiyosAng Bantayan—2008 | Disyembre 15
-
-
“Mataas na Saserdote”
15. Bakit naiiba sa lahat ng lalaking naglingkod noon bilang mataas na saserdote ang papel ni Jesus bilang Mataas na Saserdote?
15 Maraming lalaki noon ang naglingkod bilang mataas na saserdote pero talagang natatangi ang papel ni Jesus bilang Mataas na Saserdote. Paano? Nagpapaliwanag si Pablo: “Hindi niya kailangan sa araw-araw, gaya ng ginagawa ng matataas na saserdoteng iyon, na maghandog ng mga hain, una ay para sa kaniyang sariling mga kasalanan at pagkatapos ay para roon sa bayan: (sapagkat ito ay ginawa niya nang minsanan nang ihandog niya ang kaniyang sarili;) sapagkat ang Kautusan ay nag-aatas ng mga taong may kahinaan bilang matataas na saserdote, ngunit ang salita ng ipinanatang sumpa na dumating kasunod ng Kautusan ay nag-aatas sa isang Anak, na pinasakdal magpakailanman.”—Heb. 7:27, 28.a
16. Bakit talagang natatangi ang hain ni Jesus?
16 Si Jesus ay isang sakdal na tao, ang eksaktong katumbas ni Adan bago ito nagkasala. (1 Cor. 15:45) Kaya si Jesus lamang ang taong makapaghahandog ng sakdal na hain—ang uri ng hain na hindi na kailangan pang ulitin. Sa Kautusang Mosaiko, inihahandog ang mga hain araw-araw. Gayunman, lahat ng gayong hain at paglilingkod bilang saserdote ay anino lamang ng kung ano ang gagawin ni Jesus. (Heb. 8:5; 10:1) Mas malaki ang naisagawa ni Jesus kaysa sa ibang mataas na saserdote at patuluyan ang kaniyang paglilingkod sa papel na ito. Dahil dito, natatangi ang kaniyang pagiging Mataas na Saserdote.
-
-
Pahalagahan ang Natatanging Papel ni Jesus sa Layunin ng DiyosAng Bantayan—2008 | Disyembre 15
-
-
b Kahit na iniisip ng mga Judio noong unang siglo C.E. na sila, bilang literal na supling, o inapo ni Abraham, ang magiging sinang-ayunang bayan, naghihintay pa rin sila sa pagdating ng isang tao na magiging Mesiyas, o Kristo.—Juan 1:25; 7:41, 42; 8:39-41.
-