-
Patibayin ang Iyong Pananampalataya sa mga Bagay na Inaasahan MoAng Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Oktubre
-
-
2 May inaasahan din ang mga kabilang sa sanlibutan ni Satanas, pero baka nag-aalinlangan sila kung magkakatotoo iyon. Halimbawa, milyon-milyong nagsusugal ang umaasang mananalo sa loterya, pero hindi sila nakasisiguro diyan. Sa kabaligtaran, ang tunay na pananampalataya ay “ang mapananaligang paghihintay” sa ating pag-asang Kristiyano. (Heb. 11:1) Pero baka maitanong mo, paano magiging mas mapananaligan ang inaasahan mo? At ano ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa mga bagay na inaasahan mo?
3. Saan nakasalig ang tunay na pananampalatayang Kristiyano?
3 Hindi tayo isinilang na may pananampalataya; hindi rin ito kusang nalilinang. Ang pananampalatayang Kristiyano ay resulta ng pagkilos ng banal na espiritu ng Diyos sa isang masunuring puso. (Gal. 5:22) Hindi sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay may pananampalataya o na kailangan niya ito. Dahil si Jehova ang pinakamakapangyarihan at pinakamarunong, walang makahahadlang sa pagtupad niya sa kaniyang layunin. Nakatitiyak ang ating makalangit na Ama na matutupad ang kaniyang mga ipinangako, kaya naman para sa kaniya, parang natupad na ang mga ito. Dahil dito, sinasabi niya: “Naganap na ang mga iyon!” (Basahin ang Apocalipsis 21:3-6.) Alam nating si Jehova ang “tapat na Diyos,” na laging tumutupad ng kaniyang ipinangako, kaya nananampalataya tayo sa lahat ng kaniyang sinasabi.—Deut. 7:9.
MATUTO MULA SA SINAUNANG MGA HALIMBAWA NG PANANAMPALATAYA
4. Ano ang pag-asa ng tapat na mga lalaki at babae na nabuhay bago ang panahong Kristiyano?
4 Mababasa sa kabanata 11 ng aklat ng Mga Hebreo ang pangalan ng 16 na lalaki at babae na may pananampalataya. Binanggit din doon ang marami pang iba na “pinatotohanan . . . dahil sa kanilang pananampalataya.” (Heb. 11:39) Lahat sila ay nagkaroon ng “mapananaligang paghihintay” na ibabangon ng Diyos ang ipinangakong “binhi,” o supling, na dudurog sa paghihimagsik ni Satanas at tutupad sa orihinal na layunin ni Jehova. (Gen. 3:15) Ang tapat na mga lingkod na iyon ay namatay bago binuksan ng supling, si Jesu-Kristo, ang daan tungo sa makalangit na buhay. (Gal. 3:16) Pero dahil sa di-nagmimintis na mga pangako ng Diyos, bubuhayin silang muli para maging sakdal na mga tao sa isang makalupang paraiso.—Awit 37:11; Isa. 26:19; Os. 13:14.
-
-
Patibayin ang Iyong Pananampalataya sa mga Bagay na Inaasahan MoAng Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Oktubre
-
-
7. Anong mga paglalaan ang ibinigay ni Jehova para magkaroon tayo ng matibay na pananampalataya? At ano ang dapat nating gawin sa mga paglalaang iyon?
7 Para mapanatiling matibay ang ating pananampalataya, inilaan ni Jehova ang kaniyang Salita, ang Bibliya. Kung gusto nating maging “maligaya” at ‘magtagumpay,’ kailangan nating basahin nang regular ang Salita ng Diyos, araw-araw pa nga kung posible. (Awit 1:1-3; basahin ang Gawa 17:11.) At tulad ng sinaunang mga mananamba ni Jehova, kailangan nating patuloy na bulay-bulayin ang mga pangako ng Diyos at sundin ang kaniyang mga kahilingan. Pinagpapala rin tayo ni Jehova ng saganang suplay ng espirituwal na pagkain sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45) Kung pahahalagahan natin ang mga natututuhan natin mula sa espirituwal na paglalaan ni Jehova, magiging tulad tayo ng sinaunang mga halimbawa ng pananampalataya na nagkaroon ng “mapananaligang paghihintay” sa kanilang pag-asa sa Kaharian.
-